|
 | To welcome another life settling in like dust | Jul 17, 2007 |
We are inviting interested writers to submit poems, essays, and reviews for possible inclusion in the 15th issue of High Chair’s online poetry journal (www.highchair.com.ph), which will be released early next year. For poetry submissions, the theme for the 15th issue is Poetic Sequence. The sequence could be part of a larger work in progress. Also, there is no page limit for essay and review contributions. We welcome reviews of published poetry collections, especially of Filipino authors. We accept submissions in Filipino and English. Please visit our site to get a more comprehensive idea as regards the work we do and the poetry and essays we publish. The deadline for submission is on December 15. High Chair is a non-profit independent press based in the Philippines. Its first online issue went live in 2002 and has, over the years, published more than 19 chapbooks and full-length collections in English and Filipino. Please email your submissions or enquiries to highchair@gmail.com (subject heading: High Chair Issue 15). Feel free to circulate this call for submissions to other interested parties. High Chair Issue 15 will be edited by Joseph de Luna Saguid and Harris Guevarra.
Mahalaga ang pag-asa dahil ito lamang ang tiyak na nananatili sa kabila ng lahat: nabigo na at ipinagkanulo ka na ng iyong mahal sa buhay, nawalan ka na ng ari-arian, nawalan ka na ng pananalig sa Diyos, ngunit nariyan pa rin ang pag-asa.
Pag-asang matatawag ang patuloy mong pag-iisip ng sunod na gagawin, ng sunod na sasabihin, ng sunod na tutuklasin. Pag-asang matatawag ang patuloy mong pakikisalamuha sa kapwa sa gitna ng digmaan, trahedya, krisis.
Kung wala kang pag-asa, hindi mo na makikita ang halaga ng paghingi ng tulong at pagbibigay ng tulong. Hindi mo na makikita ang halaga ng pagyakap sa iba, ng pag-abot ng palad ng iba, ng pagpahid ng luha ng iba.
Kung wala kang pag-asa, balewala sa ‘yo ang kapwa, hindi mo na makikita ang silbi mo sa iba at sa mundo. Kung wala kang pag-asa, hindi ka muling magkakaroon ng pag-ibig at pananalig sa sarili at sa kapwa. Dahil sa pagpapatuloy ng pag-asa, bumubukal muli ang pag-ibig at pananalig.
Hindi masasabi kung kailan ang mismong sandali ng simula ng pag-asa, ngunit maaaring makita ang pagsasakatawan ng pag-asa: Ang sandali ng pagkilos, ng pagsasatinig, ng pagsigaw, ng pag-abot sa kapwa, ng paghingi ng tulong sa kapwa ang sandali ng pagsasakatawan ng pag-asa.
Sa madaling salita, nagsasakatawan sa ating katawan ang pag-asa.
Sa mga pangyayari sa Marinduque ngayon, galit ang magiging ugat ng pag-asa dahil galit ang magiging puwersa sa likod ng pagkilos para sa pagbabago.
Hindi lamang ito laban para matigil ang isang anomalous na transaksyon. Pagkilos ito na magsisilbing banta sa sinumang pulitiko at opisyal ng gobyerno na isasakatawan ang katiwalian sa Marinduque.
Oo: Katawan ng galit laban sa katawan ng katiwalian. Katawan ng pagkilos laban sa katawan ng katiwalian. Katawan ng pag-asa laban sa katawan ng katiwalian.
At hindi ito iisang katawan, hindi ito iisang tinig. Dahil naniniwala ako na bawat isang Marinduqueño, lalo na ang mga kabataan, ay may pag-asa sa kanilang kalooban. Dahil ngayon, isang katawan ang buong Marinduque sa pagtakwil at pagpigil sa isang lantarang anomalya.
(ONE NOTE A DAY HANGGA'T HINDI NATATAPOS ANG PAGKILOS NA ITO) May panahon para sa lahat. Ngayon ang panahon ng pag-asa at galit: Pag-asa na makakamit kung sisimulan nating magalit ngayon. Dahil nagbibigay pag-asa ang galit.
Nahaharap sa "suspension" mula sa kanyang serbisyo bilang Provincial Accountant ng Marinduque ang nanay ko, si Mrs. Erlinda Saguid, dahil ayaw niyang pirmahan ang purchase order ng transaksyon na nagkakahalaga ng P18 million.
Sa ngayon, hindi pa ito pinipirmahan ng nanay ko, at naniniwala ako na hindi niya ito pipirmahan. Hindi ito pinirmahan at hindi pipirmahan ng nanay ko dahil alam niya na anomalous ang transaction na ito lalo na't papaalis na sa governorship post si Bong Carrion. Bakit pipilitin pa ang mga ganitong transaksyon sa loob ng ilang araw na lamang sa puwesto? Kung ito ay para mabawi ang lahat ng nagastos sa nakaraang eleksyon, mainam na si Bong Carrion ang tanungin.
Hindi ako mangingiming sabihin na maaaring nasa landas ng disgrasya ang aking pamilya dahil ang nanay ko ang susi para mai-release ang budget para sa purchase order na ito.
Kapag hindi niya pinirmahan ang purchase order at masabotahe nang tuluyan ang mga plano ni Bong Carrion at ng kanyang mga kasabwat sa Sangguniang Panlalawigan, alam ko na maaaring may mangyaring masama sa pamilya ko lalo na sa nanay ko.
PERO MAY PANAHON PARA MAGALIT, AT NGAYON ANG PANAHONG ITO. TAMA NA ANG CORRUPTION. MALIIT NA ISLA ANG MARINDUQUE AT ANG PAGIGING MALIIT NITO ANG NAKIKITANG OPORTUNIDAD NG MGA PULITIKONG KATULAD NI CARRION PARA GUMAWA NG LAHAT NG URI NG KABULASTUGAN. PERO ITO ANG SASABIHIN KO SA IYO NGAYON, BONG CARRION, AT SA MGA KASABWAT MO:
HUHUSGAHAN KAYO NG KASAYSAYAN AT NG MGA KABATAANG MARINDUQUENO BILANG SIMBOLO NG CORRUPTION NA GUSTO NA NAMING MABURA SA PULITIKA NG PILIPINAS, AT HINDI KAMI MAGIGING MABAIT O MABUTI SA INYO HANGGA'T NABUBUHAY KAYO.
Mangyari na ang mangyayari. Panahon ito ng galit at pag-asa. Maaaring iwanan ang sining. Maaaring mapalitan ito ng ibang bagay na mapaglalaanan ng buong kalooban. Maaaring mapalitan ito ng ibang mabuting bagay o gawain na hindi masasabing mas mabuti sa halaga ng sining.
At kung pagkatapos ng pagtatangka ay hindi pa rin maiwanan ang sining, sakaling hindi talaga maiwaksi ang gawain ng paglikha, ito ang panahon upang liwanagin ng artist sa sarili kung ano ang halaga ng sining sa kanyang buhay.
Hindi iisa ang halaga ng sining. Maaari itong makapukaw ng pandama at makapagpatalas ng pakiramdam. Maaari itong maging tugon sa iba’t ibang karanasan ng artist. Maaari itong magdulot ng aliw at kasiyahan. Maaari itong maging udyok ng pagsusuri ng kalooban, ng buhay. Maaari itong maging udyok ng pagbabago ng buhay ng artist. Maaari itong maging habambuhay na pakikipagbuno ng artist sa iba’t iba at nagbabago niyang kaalaman at paninindigan. Kung sa panitikan, habambuhay na pakikipagbuno sa kapangyarihan at kakulangan ng salita.
Kung gayon, pansarili ang halaga ng sining.
May mga pagkakataong sa sining (sa paglikha, sa pagbabasa, sa panonood, sa pagtingin, sa pagdanas) bumabaling ang tao upang mairaos ang paghihirap o kasiyahan ng kalooban at kung gayon, nagkakaroon ng halaga ang sining bilang espasyo ng pagluluksa o ng pagdiriwang o ng sabay-sabay at masalimuot na damdamin. Ano’t anuman, hinihingi ng sining ang puwersahang pagtigil ng tao, maging artist man o audience.
Walang tiyak, lantad, at iisang tungkulin ang sining para sa isang bayan o komunidad. Ngunit may lugar ang sining sa mundo at sa indibidwal na natagpuan ang halaga ng sining sa kanyang buhay.
Kung may naidulot na kabutihan ang sining sa buhay ng artist o ng audience, maaaring magsakatawan ang kabutihang ito bilang likhang-sining o bilang ibang gawain na mabuti ang maidudulot sa mundo at sa kapwa. The final installment of High Chair 12, a special issue on the Maguindanao Massacre, is now online. It features work by Pearlsha Abubakar, Philip Jorge Bacani, Melissa Basmayor, Rogelio Braga, Kristian Sendon Cordero, Conchitina Cruz, Adam David, Lolito Go, Francisco Guevara, Oliver Ortega, Joseph de luna Saguid, Katrina Stuart Santiago, Angelo Suarez, and Eliza Victoria. Image by Ringo Bunoan.
Anumang oras, anumang araw, magsawa man ang mga Pilipino sa pagsubaysay sa loveteam na Melason sa ABS-CBN, bumagyo man bigla sa gitna ng Mahal na Araw, ibalik mang muli ang Ghost Fighter or Dragon Ball Z sa GMA 7, dumami man nang dumami ang fans ng Cueshe at Hale (so 2006! – comment ni Vince Groyon), ilang ulit mang mag-reunion concert ang Eraserheads, tiyak akong patuloy na magsusulat si Vlad Gonzales at matatagpuan at matatagpuan pa rin siyang nagluluto ng kuwento at kuro-kuro sa loob ng kanyang http:// dirtypopmachine.multiply.com/. At kapag pinuntahan mo na ang link na ito (tulad ko na maya’t maya ang pag-a-Alt+Tab para mabilis na makapagpabalik-balik sa Multiply site ni Vlad at sa isinusulat kong feature article), sasalubungin ka ng sideview headshot ni Vlad na hindi mo masasabing nakatawa ngunit hindi mo rin masasabing nakairap. At kahit na sa palagay ko’y sasang-ayon ka sa akin na nakakaloko ang tingin ni Vlad sa akin o sa iyo na mga inosenteng Internet surfer lang naman, magpapatuloy tayo sa pagbasa ng kanyang mga entries at mapatutunayan sa sarili na totoong nakatutuwa at natatanging magsulat si Vlad, na mahusay siyang guro at mahal niya ang bokasyon ng pagtuturo, at na lagi siyang masiglang mag-share ng kanyang kuro-kuro tungkol sa iba’t ibang bagay sa balat ng lupa o anything under the sun. Isa si Vlad, o Vladimeir Bautista Gonzales kung bubuuhin ang pangalan, sa mga pinakaproduktibong manunulat sa Pilipinas ngayon. Sa edad na 28, nakapaglabas na siya ng apat na libro: dalawang aklat ng mga kuwento: Intellectual Mass Starvation na inilimbag ng National Commission for Culture and the Arts para sa 2003 Ubod Series at Dirty Pop Machines vs. Academia Nuts, isang librong may kasamang interactive na CD na inilimbag ng Akdang Bayan, at dalawang aklat ng mga sanaysay: Isang Napakalaking Kaastigan at A-Side / B-Side: Ang Mga Piso sa Jukebox ng Buhay Mo na parehong inilimbag ng Milfores Publishing, Inc. Nagtuturo si Vlad ngayon ng Malikhaing Pagsulat sa Unibersidad ng Pilipinas at hindi ito nakagugulat dahil Malikhaing Pagsulat din ang kanyang undergraduate at MA na kurso. Isa si Vlad Gonzales sa mga manunulat na lumaki at lumago sa ilalim ng programa ng Malikhaing Pagsulat sa akademya, kung saan ang kumbensyonal na moda ng pagtuturo at pagkritika ng mga akda ay ang workshop o palihan. Sa eksena ng panitikan dito sa Pilipinas, prominente ang mga palihan bilang stepping-stone ng mga nagsisimula pa lamang sumulat. Ako mismo ay nakaranas na ng mga workshops bilang kasapi ng Thomasian Writers Guild at bilang fellow sa 5th UST National Writers Workshop. Halos lahat din ng kasabayan kong student writers noong kolehiyo ay hindi pinalagpas ang pagkakataong makasama sa mga national writers workshop. May kilala akong manunulat na nais maranasan ang lahat ng national writers workshop: UST, Iyas, Dumaguete, Iligan, Ateneo, at Baguio Writers Workshop. Hindi iisang beses kong narinig bilang introduksyon sa mga performer sa mga poetry reading kung saang workshop sila naging fellow o kung saang workshop siya dadalo sa paparating na bakasyon. Sa kanyang patuloy na paglinang sa sining ng pagsulat, tatlong malalaking workshops na ang nadaluhan ni Vlad: Iyas, Iligan, at ang advanced UP Baguio Writers Workshop. Bukod pa ang mga ito sa regular na pakikipagdiskurso, pagpapasa ng mga bagong akda, at pagkuha ng mga kritisismo tungkol sa ipinasang akda sa loob ng klase ng Malikhaing Pagsulat. Ang pagsulat ni Vlad ay nakaugat sa palihan kung kaya hindi nakagugulat na siya mismo ay nagtuturo at nagbabahagi ng galing at karanasan sa Malikhaing Pagsulat sa mga nakababatang manunulat na tiyak ko ay nais ding marating ang estado ni Vlad bilang isang nailimbag, naparangalan, at nirerespetong manunulat. Sa aking panayam kay Vlad, nakita ko ang pagtingin ni Vlad sa palihan bilang isang mabungang interaksiyon sa pagitan ng mga manunulat na iba’t iba ang sinusubukang gawin sa kani-kanilang akda. Napansin ko ang katangian ng pagiging bukas ni Vlad sa mga inspirasyong maaring maibahagi ng ibang manunulat sa kanya: “[Sa palihan]…ako napuwersang buwagin ang mga sariling bias tungkol sa mga manunulat na hindi ko kapareho ng pinoproyekto”. Ngunit hindi natatapos sa mga sessions ang mismong palihan dahil ayon kay Vlad, “[M]arami sa kaalamang naappreciate ko sa workshops ay yung mga nasa labas ng sessions”. Sa madaling salita, nagiging mabuti at magandang dahilan ang mga palihan upang mawalay ang isang manunulat sa kanyang kaabalahan at upang magkaroon ng panahon kung kailan maaari niyang tutukan ang gawain ng pagsulat. Ayon kay Vlad, ang palihan ay “[I]lan sa rare opportunities na napa-pamper ang writer, and at the same time ay nabibigyan ng sandaling retreat mula sa buhay niya upang pag-isipan ang kanyang pagsusulat.” “Rare moments” ang mala-daydream na patungkol ni Vlad sa palihan at natagpuan ko ang sarili na tumatango sa kanyang mga sinasabi. Sino nga bang manunulat ang aayaw na mabigyan ng panahon upang matutukan ang kanyang isinusulat? Sino nga bang manunulat ang hindi nanaising marinig ang opinyon ng mga kapuwa manunulat kung paano pa mas magiging mahusay ang akdang nakahain sa palihan? Nang tanungin ko kung irerekomenda ba niya sa mga nakababata at nagsisimulang manunulat ang sumali sa isang palihan sa klase, organisasyon, o national writers workshop man, walang pag-aalinlangan na “Oo naman!” ang sagot ni Vlad. Sa tingin ko, gugustuhin ni Vlad na maging mas sikat, mas popular, mas inaabangan ng mga estudyante ang mga palihan tulad ng pag-aabang sa bagong album ng paboritong banda o sa bagong sine ng kinakikiligang loveteam. At bilang guro at manunulat na binabasa ng maraming kabataan, ano nga ba ang nakikita ni Vlad sa mga mas nakababatang manunulat ngayon? Ayon kay Vlad, ang napapansin niya sa mga mas batang nagsusulat ay “yung attitude sa pagsusulat na nagre-reflect sa mga akda nila.” Paglilinaw niya, “Marami sa academically-trained na writer sa amin sa Fil Dept ay may certain tendency na magmukhang defeated/defeatist, may romantisismo sa pagiging simpleng manunulat, sa kawalan ng kakayahan na magbago ng mundo.” Hindi kakulangan sa pag-eksperimento sa anyo ang nakikita ni Vlad kundi ang attitude na “madalang mag-take ng risks, yung halatang takot na makuwestyon ang disposisyon.” At bagamat kinikilala ni Vlad ang “limitasyon ng pagsusulat sa usapin ng konkretong pagbabago”, mahalaga pa rin para sa kanya na ang isang manunulat ay “makabuo ng mga akdang may malinaw na pagdedesisyon… na may sense ng adbokasiya.” Kulturang popular sa Pilipinas, partikular ang sa Maynila, ang pinapaksa ni Vlad sa kanyang mga isinusulat at madadagdagan pa ang kanyang body of work ng isang bagong aklat na sa ngayon ay in-the-making, ang: Ikaw ang UP-UP-DOWN-DOWN-LEFT-RIGHT-LEFT-RIGHT-B-A-B-A-SELECT START ng Puso Ko, na ginagamit na sentral na talinghaga ang larong Contra noong kasikatan pa ng 8bit na family computer. Ngunit pang-ibabaw o coating lamang ang aliw na hatid ng mga akda ni Vlad. Ang mismong pagpili ng mapanglamong kulturang popular bilang paksa ay pahayag na nagagawa niyang pangibabawan ang mga impluwensiya nito at nagagawa niyang suriin ang mga ito habang hindi itinatakwil na natutuwa siya sa pagdanas sa mga bagay na pinagsasaluhan at iniikutan ng mundo ng karamihang Pilipino. Ganito mismo ang nakita ni Adam David sa kanyang rebyu ng Intellectual Mass Starvation: “[H]igh and low art collide and explode between the covers, each and every aspect of Pinoy Pop Culture is used to full-effect, from gay celebrities in denial to masturbating while watching imported pornography to super heroes as metaphors for gender roles to scenes seen while engaging in the finer forms of mass transit in Manila.” Para kay Vlad, hindi isyu kung ano ang nais paksain ng isang manunulat sa kanyang mga akda hangga’t may lilitaw na “sense ng adbokasiya”. Ang adbokasiya ni Vlad sa kanyang mga isinusulat ay ang pagpapamalay sa mambabasa na maaaring suriin, kung gugustuhin at kung paglalaanan ng panahon, ang mga bagay na maituturing na karaniwang bahagi ng buhay. Kung gayon, positibo ang tingin ni Vlad sa kinabukasan ng panitikan sa Pilipinas; lagi’t laging may mga buhay na magbabago kung makababasa ng isang akda na “may tapang sa kung ano man ang isinusulong na adbokasiya.” Ngunit bago tuluyang pumailanlang sa diskusyon ng hinaharap ng panitikan sa Pilipinas, nararapat munang batid ng manunulat kung ano ang kasalukuyang kalagayan ng panitikan. Sa usapin ng fiction o katha, marami pa ring problema na kinakaharap ang isang manunulat dahil na rin sa mistulang pagka-disconnected ng karamihan sa mga mamamayan mula sa anumang uri ng panitikan. “[M]akitid pa rin ang landscape ng fiction writing, makitid sa saklaw siguro, sa kung sino ang naabot at paano ito tinatanggap ng mga may access sa mga libro”, pahayag ni Vlad. Ibig sabihin, hindi nagkukulang ng mga manunulat, hindi nagkukulang ng kuwento o ng babasahin, ngunit kakaunti lamang ang tunay na nakakabasa ng mga akdang inililimbag at hindi naman ang pagbabasa at pagpapalawak ng readership ng mga aklat ang pangunahing isinusulong ng mga may access sa libro tulad ng mga taong may purchasing power o ng mga estudyante na napilitan lamang magbasa ng libro dahil kailangan para sa klase. Dagdag pa ni Vlad, “Sa pagtuturo ko ng panitikan, at sa sariling experience bilang nagsusulat, parang nasa estado ako ngayon ng pagkilala na siyempre’y may potensyal na makaimpluwensya sa ideolohikal na antas ang mga isinusulat, pero sa usapin ng readership at pag-maximize nito at ng possible impact sa maaaring magawa sa mas pinalawak na readership, sa tingin ko’y marami-rami pang pwedeng tarabahuhin para maging massive ang ‘landscape’ na ito.” Ngunit dahil nga positibo ang pagtingin ni Vlad sa kinabukasan ng panitikan, may mga napupuna rin siyang pagsulong sa pagsulat ng katha o fiction writing sa Pilipinas. Ibinigay niyang halimbawa ang mga speculative fiction writing: “Mukhang nare-recognize na rin ang efforts ni Dean Alfar at ang mga nagsusulat ng speculative fiction/ genre fiction, nare-recognize bilang marketable at worthy pag-usapan sa akademya.” Patunay sa interes ng akademya sa usapin ng speculative fiction ay ang pagkakasali ni Dean Alfar sa 2009 UP Baguio Writers Workshop kung saan fellow din si Vlad. Binanggit din ni Vlad na noteworthy ang “book projects ng grupong KATHA” bagamat “matagal na silang walang nailalabas na libro”. Sa tingin ni Vlad, ang trending sa development ng pagsulat ng katha sa Pilipinas ngayon ay “yung makabuo ng mga book project na marketable at pwedeng isama sa reading lists sa schools”. Nang tanungin ko si Vlad tungkol sa proseso ng pagsulat niya ng kuwento, binanggit niya na “[m]alaking porsyento [ng pagsulat] ay self-criticism and revision”. Dahil isa nang established na manunulat at dahil marami-rami na ring palihan ang nadaluhan at kanyang naibigay sa mga nakababatang manunulat, naka-develop na si Vlad ng pansariling batayan ng mahusay na akda. Sa ngayon, nirerebisa niya ang kanyang akda sa pamamagitan ng “paulit-ulit munang pagbabasa ng naisulat tapos iwinawasto ayon sa sariling pangangatay”. At dahil naniniwala si Vlad na kinakailangan din namang dumistansya ng manunulat mula sa kanyang akda habang nasa proseso ng pagrerebisa, mayroon din siyang “dalawa hanggang tatlong tao…na pinagkakatiwalaang magbasa ng [kanyang] akda…bago i-consider for publication”. Naka-relate ako sa sinabing ito ni Vlad dahil mayroon din lamang akong tatlo hanggang limang tao na pinagpapakitaan ng isang akda o ng isang series ng mga akda upang tingnan kung gumagana na ba ang aking naisulat sa antas ng kanilang kritikal na pagbasa. Para kay Vlad, darating talaga sa ganitong punto ang isang manunulat dahil nabubuo ang “tiwala sa ilang kapwa manunulat kapag matagal mo na silang nakakasama sa iba’t ibang proseso ng paglikha.” At dahil nga nasalang na sa iba’t ibang palihan, sanay na si Vlad sa mga kritisismong natatanggap ng kanyang mga akda. Bagamat wala pang masyadong scholarly paper na tumatalakay sa kanyang mga akda, marami namang “online reviews [at] kritisismo via writers workshop”. Ayon pa kay Vlad, “Natutuwa ako sa workshop lalo kapag napupunta ang direksyon ng workshop sa pag-call ng attention sa possible design ng mga kuwento ko, tapos siyempre natutuwa ako kapag nade-decipher nila ang disenyo.” Ngunit kahit nakapaglabas na ng apat na na libro, nalathala na sa iba’t ibang magazine at journal, at nakadalo na sa mga national writers workshop, umamin si Vlad na, “Lagi akong kabado sa kritisismo”. Dagdag pa niya, “Natatakot ako na manega.” Marahil ang kaba na ito ng manunulat sa pagharap sa isang kritisismo tungkol sa sariling akda ay bunga ng napupuna ni Vlad na hindi timbang na pagtingin ng ilang kritiko, ang pagtingin o pagbasa na “hindi tinatangkang [i]-articulate… [ang] parehong potensyal at mga posibleng pagkukulang [ng akda].” Para kay Vlad, “Mas nadadalian [siyang] iproseso [ang kritisismo] kapag may balance sa review.” Una kong nakita nang personal si Vlad nang kunin ko siyang lecturer sa inorganisa kong Prose Project o talakayan ng mga nagsusulat ng fiction para sa mga estudyanteng miyembro ng Thomasian Writers Guild noong 2008. Nabasa ko na ang ilan sa kanyang mga akda sa mga pahina ng Dapitan, ang literary folio ng UST Faculty of Arts and Letters noong nasa kolehiyo pa ako at hinangaan ko na ang wit ng kanyang mga akda. Muli, tinutulungan tayo ni Adam David sa pagbasa ng ginagawa ni Vlad sa kanyang mga akda, “Gonzales writes with unapologetic experimentalism, and tries to write just about anything and everything that occurs to him…” Ang pagiging “unapologetic” ni Vlad ang kanyang disposiyon bilang isang manunulat sa isang third world na bansa kung saan pinaghihilom ng entertainment at music industry ang sugat ng mga trahedya, ng mga eskandalo sa gobyerno, ng mga isyu ng moralidad, ng kapangahasan at kasawian ng mga kabataan. Alay na “Mga Piso Para Sa Jukebox ng Buhay Mo” ang bawat akdang kanyang isinusulat. Kung nagsimula ka nang sumipol, pumadyak, o tumambol sa mesa, simula na ng iyong pangibabaw sa sarili mong kasawian. Isinulat ni Marcel Proust ang nobelang Swann’s Way bilang una sa pitong bahagi ng kanyang opus na Remembrances of Things Past. Sa kanyang sanaysay na “The Acutest Ear in Paris”, binigyang-katangian ni Christopher Hitchens ang akda ni Proust bilang isang babasahin “that exposes and clarifies the springs of human motivation.” Ngunit hindi lamang motibasyon ng karaniwang tao ang matutunton sa Swann’s Way kundi ang motibasyon ng isang artist sa kanyang paglikha ng sining. May mga kilala akong manunulat na sumusulat ng mga sanaysay o di kaya’y nagtatala o gumuguhit sa kuwaderno upang maunawaan din ang kanilang sariling proyekto o konsepto na gumagabay sa isinusulat na libro. Nararapat na malinaw para sa isang artist ang halaga ng proyektong kanyang ginagawa, ngunit higit na malinaw dapat para sa isang artist, sa simula pa lamang, kung ano ang motibasyon ng kanyang paglikha. Nararapat niyang masagot ang tanong na bakit nga ba siya lumilikha? Kaya naman maituturing ang Swann’s Way na isang paglilinaw ni Proust sa kanyang sarili kung bakit siya nagsusulat, at kung bakit siya nahahalina at naaakit sa mga likhang-sining. Sa pagbasa ng Swann’s Way, nabalikan ko ang mga sariling pagninilay tungkol sa gawain ng paglikha, at sa aking palagay, nasuportahan ng mga pagninilay ni Proust ang pinaniniwalaan kong motibasyon ng isang artist—ang pagmamatigas o resistance. Oo, isang pagmamatigas ang gawain ng paglikha at gayundin naman, ang sining na produkto ng paglikhang ito. Sapagkat kung ikukumpara ang sining sa mga ibang likha, makikitang ang silbi ng sining ay ang pagsira ng de-oras(ang) pagtingin natin sa panahon. Nagmamatigas ang sining na tumayo sa loob ng sariling panahon—kung gaano ito katagal ginawa ng artist, kung umaga, tanghali, gabi, madaling-araw man ito ginawa ng artist, at kung gaano katagal ito binabasa, dinadanas, inuunawa ng mambabasa. Hindi katulad ang sining ng ibang likha na pinagsisilbihan ang pag-usad ng panahon: halimbawa: pagkain na isinusulong ang pag-unlad ng katawan at mahahagilap sa itinakdang oras para kumain, lambat na isinusulong ang materyal na pag-unlad ng buhay ng tao, lapis at papel na isinusulong ang kaalaman ng tao, ang kaalaman na sinasaulo, isinasagot sa mga eksam, at ginagawang batayan ng pag-unlad ng tao sa loob ng kanyang piniling industriya. Ang mismong pagsulat ng pitong bahaging opus na Remembrances of Things Past, kung saan unang bahagi lamang ang Swann’s Way, ay ang literal na pagsasagawa o enactment ni Proust ng pagsira ng de-oras na panahon at isang napakahabang postponement o pagpapatagal ng katapusan ng nobela.
Bago umalis ng bahay, nagdarasal silang buong pamilya. Siya ang tagabasa ng mabuting balita. Isang gabi, inusisa ng kapatid ang umbok sa cover jacket ng bibliya at natagpuan ang limang sampung pisong papel na kinupit niya mula sa kanilang tindahan. Dahil ayaw mamalo ng ina gamit ang sinturon, pinatayo siya nito sa gitna ng sala at hinambalos ng hindi pa nailalatag na banig. * * * Sa lamig ng kaniyang mukha, pakiramdam niya patay na siya. Sinigawan siya ng ama na itutok ang flashlight sa gitna ng kalsada. Sa side mirror, ang dilim na mukha ng ama. Kapag pundido ang headlight at flashlight lamang ang baon nilang ilaw sa biyahe, iginigitna ng ama ang traysikel sa daloy ng mga puting linya sa kalsada. Mas maigi raw na nasa gitna ng kalsada, kaysa mahulog sa kanal, ang katwiran ng ina nang ituro sa kaniya ang tamang pagtanglaw para sa pagmamaneho ng ama. * * * Binuksan niya ang pinto. Makitid na siwang. Luminaw ang mga boses na hindi niya maintindihan. Paliwanag ng ama, singing in tongues ang kanilang ginagawa. Pagdarasal na tanging diyos ang nakauunawa. * * * Iniangat niya ang pinto ng kabaong ng ina. Tulog ang lahat. Ang ama, nakapikit lang tulad ng mga nakalipas na gabi. Pinakikiramdaman nilang dalawa ang sa isa’t isa. Alam niyang hindi siya nito pipigilan. Hinawakan niya ang kamay ng ina na hindi makinis hindi magaspang. Hindi niya alam kung gaano siya katagal na hindi gumagalaw, kung gaano siya katagal na walang-buhay. * * * Habang hinahataw siya ng rolyo ng banig, humihingi siya ng tawad ngunit hindi mabuo ang mga salitang pinuputol-putol ng hikbi at hiráp na paghinga. Walang nauunawaan ang ina. Patuloy sa paghampas dahil hindi ito diyos. * * * Binitiwan niya ang kamay ng ina para ilipat sa kaniyang kanang kamay ang flashlight. Matalas ang kiskis ng singsing sa sahig ng traysikel nang lumaylay ang kamay ng ina. Maaaring ang ama, ang sarili, o ang bangkay sa kaniyang kandungan ang kaniyang nasigawan. Huminto ang traysikel. Sumungaw ang madilim na mukha ng ama sa siwang sa pagitan ng sidecar at motor. Ipinatong nito ang lapad at bigat ng kamay sa kaniyang kamay sa malamig na pisngi ng ina. Walang-tigil na bulong o palahaw ang ragasa ng ilog depende sa tanggap ng kanilang pandinig. Paanan iyon ng tulay na hindi nila natawid. * * * Bago umalis ng bahay, itinabi niya ang bibliya sa loob ng de-salaming aparador. Hindi pagtatago kundi pag-asa. Dagling masusumpungan kung kinakailangan. Kauupo pa lamang ng ama sa sofa mula sa kanilang pagdarasal. Bumubusina ang dyip na sundo nilang magkapatid papuntang pier. Hindi sila ihinatid ng tanaw ng ama. Hindi nagtagpo ang kanilang paningin. Pagsara ng pinto, nagsimulang umusal ang ama ng hindi niya maunawaan. Palakas nang palakas kaya’t nasundan siya hanggang labasan. Paspasan ang mga traysikel na tumutugon sa kani-kaniyang emerhensiya.
The floor is white smooth ceramic tiles. Easy to clean. And as you can see, beige walls, not desperate not hopeful, just neutral and blank. It’s up to you what to fill the walls with, just don’t drill through the cement. This is the first floor. It’s a bit costly than those in the upper floors but you can easily escape, and let’s not wish for it, in case of fire or earthquake. You can wash your clothes here, your body here, your face here. You can hang your laundry here, but not yourself, we don’t want bad luck in this place. It’s ok to bring your friends as long as whatever you do remains in the room and doesn’t disturb the other tenants. The walls are thick. You won’t hear what’s going on in the other rooms. You can mind your own business. This is a high place. Think like this: if ever it floods here, then the whole city is already underwater. As for the neighborhood, the brawls and robberies are things of the past. See there, at the corner, ten meters away, the police outpost. Within the street are three sarisari stores. Around the corner is a water station. You just bring your container to them and they deliver free of charge. On that corner, turn right and after a block, the carinderia. It has a dozen viands daily, serves meals from breakfast to 11 in the evening. If you like to cook, the wetmarket is a good 5 minute walk from here. No curfew. The payment for time and space is on the 15th, the 30th for electricity and water. Here is your caretaker.  | SUNDAY | Feb 23, '10 3:18 AM for everyone |
The landlady, the middle-aged carinderia owner, the jeepney barker, the mother of five, the wife of the bald hotdog man, the all-day all-star bingo players, the Saturday laundry ladies claiming the street with steel bars and barbed wires protecting their morning aerobics with the tanods drumming the road with their sticks and the tricycle drivers avoiding each other in wild traffic seeing the bodies the dancing bodies shine in sweat and spandex and sando and short shorts and the bodies are glorious and the barangay chairman chuckles with the music. * Weekend and his garbage bag pregnant with etcetera * Let’s try it like this, he told himself, and punctured the bag where head and arms and legs crept in * The cold hard noodles gathered on his chest and his heart, aware of the presence of an old love, beat madly * The tuna can he felt by his dick and right away it was a wound soothed by oil or a can soothed by blood * Where are the newspapers, he wondered and recognized the headline getting wet with piss blood oil at his feet * The broken hanger was jutting from his ribcage and the air released was, it seemed to him, rich with laughter
Magdamag nilang pinag-usapan ang mga bagay na naiwan dito. Mga bagay na bigla’y naging mahalaga sa kanilang pagkabuhay. Napagkasunduan nilang irasyon ang mga pahina ng mga aklat sakaling maubos ang tinapay. Napag-usapan nila ang mga tungkulin: nagpalabunutan para sa tagasahod ng ulan, nagtakda kung sino ang mananatiling gising sa bawat oras, kung sino ang uusal ng dasal, kung sino ang mang-aawit sa umaga at ang mang-aawit sa gabi. Itinakda nila kung saang sulok lamang maaaring humikbi sakaling dalawin ang sinuman ng kalungkutan. Ngayon, nagsisimula nang sumulat ang taga-talá sa dingding at dilim. Matatagpuan ang kanyang liham pagkalipas ng mahabang panahon. Matatagpuan ito ng mga susunod na makukulong sa silid ng panahon. Rebyu ng Parang ni Mesandel Virtusio Arguelles  Kalawakan ang aking sariling karanasan sa pagtayo sa parang: walang katapusang lago ng damo at sukal para sa mga mata ng isang batang tuwina’y pinagbabawalang dumako sa hindi pa napupuntahang lugar kung walang kasama at hindi alam ang daan pabalik. Lagi’t lagi, nakatuntong ako sa tiyak na espasyo: bahay, bakuran, sasakyan ng pamilya. Dumarating sa bahay ang balita tungkol sa mga batang naligaw o nalunod at nagsasabay sa aking isipan ang takot at pagdalumat sa kagaganap pa lamang na trahedya. Sa murang edad, natutuhan kong pahalagahan ang katiyakan ng mga bagay. Ngunit ngayong binabalikan ang sariling kasaysayan, isang matinding suliranin kung paano nga ba nangyaring pati ang mga ipinamanang ideya (sala/wikain) ay minsang naging tiyak din na mga bagay na paulit-ulit sinasambit at dinudulugan bagaman hindi nahahawakan o nakikita para sa sariling pagtitiwala / paniniwala, halimbawa: Diyos. Kalawakan ang aking sariling karanasan sa pagtayo sa Parang ni Mesandel Virtusio Arguelles: walang katapusang lago ng salita / ideya para sa isang katawang ngayo’y dumadako kung saan man dalhin ng isipan; hangga’t may espasyo kahit di tiyak o pamilyar; ang walang-humpay na pagtatanong ang ipinupukol na tanglaw sa daan. Sa Parang, muli kong hinarap ang mga ideyang kinakailangang muling pag-isipan: mga pamanang maaaring hindi na tanggapin o di kaya’y maaaring hubugin para sa sariling kapakinabangan.
Kalawakan: parang, kawalang-hanggan. Ibig sabihin, hindi pagtitiwala / paniniwala sa kaganapan ng mga bagay. Kawalan ng iisang kahulugan. Para kay Arguelles, buháy na buháy ang mga salita bilang nilalang ng tao, bilang kasangkapan ng tuwinang pagtatangkang bigyang-kaayusan ang mundo (pagpapangalan sa Genesis). Ang paggamit mismo ng mga salitang parang / tila (gawain ng paghahalintulad at paghahambing) ay isang (pagpa)paliwanag, isang pagsisikap ng tao na unawain at maipaunawa sa iba ang sariling karanasan. Ginagawang pamilyar ang hindi pamilyar sa pamamagitan ng pagbibigay dito ng mga katangiang batid na ng pandama. Tinatawag ng mga tula sa Parang ang atensiyon ng mambabasa sa maraming talinghaga o/at imahen na maaaring gamitin upang “paliwanagin” ang isang kalagayan ng o pangyayari sa buhay ng tao: Wari walang kurap ang langit / Wari ko wari ng Diyos (Wari); Sa aking pagpanaw maaari ko / Ang sariling langit sa wakas (Walang Langit); Ang ulan tila / Lulan ang Diyos sa isang kurap / Tila / Sa aking katauhan lulukob (Ang Ulan Tila); Pagkaraan ng panahon sa lupa / Daraan ang panahon / Na wala nang panahon at parang / Kaya ko itong paniwalaan (Tulang Nagsisimula Pagkaraan ng Panahon). Sa kanyang sanaysay na Pagtawid sa Parang, binalikan ni Arguelles ang panayam sa makatang si Cole Swensen at ang pahayag ni Swensen ang maituturing na gabay o susi sa pagbasa ng Parang bilang proyekto ng paglusaw-buo ng imahen / salita / ideya: “Kumbinsido si Swensen na hindi lamang walang pagkasaid ang imahen kundi maaari pang makapagluwal ng ibang imahen o ideya”. Kaya naman, hindi iisang pamagat ang muli’t muling ginamit bilang pamagat din ng iba pang mga tula sa aklat. At sa harap ng ganitong walang-pagkasaid ng imahen o salita, sa harap ng hindi iisang paliwanag o talinghaga, sa gitna ng maraming kahu(hu)lugan ng wika, ano ang maituturing na katotohanan? Ayon mismo kay Arguelles, ang tula ay “isang pagtatahi ng kasinungalingan.” Kung gayon, Kalawakan ng Maaari ang Parang at espasyo ang mga tula para sa pagbabanggaan ng mga salita / ideya. Sa loob ng tula, (muling) nakikilala ng mambabasa ang mga kahulugan ng mga salitang maituturing na doble-kara sa wikang Filipino: parang, tila, maaari, mukha(ng), panahon, bukas, buhay, ilang, taong. Nagbabago ang kahulugan ng isang salita, halimbawa: buhay, depende kung ano ang mga katabi nitong salita sa pahina. Sentral kung ganun sa proyekto ng Parang ang pagpapamalay sa mambabasa ng proseso ng pagbabago ng kahulugan ng isang salita. Ibinabalik sa mambabasa ang sariling social constructs upang lusawin ang mga minsan na niyang tinanggap bilang ganap na katotohanan. Samakatwid, layunin ng aklat na panatilihin ang mambabasa sa mundo ng katanungan.
Paghakbang sa lawak ng nasasalaming salimuot ng kaisipan ni Arguelles ang pagbuklat ng Parang. Nagaganap ang salimuot sa pamamagitan ng paglusaw-buo ng mga pangungusap / utterances sa loob ng mga tula. Nakasalansan ang mga salita sa pahina sa paraang naipakikita ng makata kung paanong maaaring lumikha ng mga panibagong kaisipan habang nagaganap ang pagsubok / pagsira ng mga namamayaning ideya na lumulukob sa ating pagkatao. Nagaganap ang de/construction sa pamamagitan ng mahusay at malikot na pagpuputol ng linya (ideyang nagluluwal ng isa pang ideya), kawalan ng bantas (pagtatapos ng linya ngunit hindi ng ideya), at paggamit ng malaking titik sa simula ng unang salita ng bawat linya (lagi’t laging nagsisimula / bumubukal ang ideya). Narito ang isang tula mula sa koleksiyon: ANG MUKHA NG DIYOS Ang mukha ng Diyos maliwanag na Kahit anong paliwanag hinahanap ko pa rin Ang anumang repleksiyon sa salamin Na hindi maaari maaari man Ang salamin ang mukha ng Diyos
Walang duda si Arguelles sa kahalagahan ng muling pagtingin / pagninilay sa mga bagay o pangyayaring maituturing na sentro ng buhay o pag-iral tulad ng ideya ng Diyos. Batid ni Arguelles na habambuhay na suliranin para sa taong naghahanap ng katiyakan ng lahat ng bagay ang pagdalumat sa hitsura ng Diyos. Ang pagdalumat ay ang pagpupuno ng tao sa nakikilala niyang kakulangan o kawalan ng katiyakan ng maraming bagay sa kanyang paligid. Samakatwid, nagiging manlilikha ang tao. Kaya naman ang tula sa itaas ay isang pagninilay sa maaaring proseso ng paglikha ng kaayusan ng isang tao: Ang mukha ng Diyos maliwanag na / Kahit anong paliwanag hinahanap ko pa rin. Ibinabalik ng tula sa mambabasa ang suliranin ng pagkilala sa Diyos na malaon nang naipinta / naiukit / nabigyang-hugis/ hitsura sa pamamagitan ng paggaya ng mukha ng tao, habang sa kabilang-banda, namamayani ang Katolikong paniniwala na nilikha ang tao alinsunod sa mukha at katangian ng Diyos. Pilosopikal na diskurso ang kabuuhan ng Parang at iisang tinig lamang ang maririnig sa lahat ng mga tula: isang matalino, mapanuri, mapanubok, mapagtanong na tinig na mulat at malay sa pagiging manlilikha ng tao at sa pagiging nilalang ng mga salita / imahen / ideya -- ang tinig ng makata. Kung gayon, maituturing na paanyaya ang mga tula para sa mambabasa, isang paanyaya sa gawain ng pagninilay at pagsubok sa sariling paniniwala. Pansinin ang huling tatlong saknong ng isa pang tulang pinamagatang Ang Mukha ng Diyos: Noon ang langit waring walang kurap Mga matang sa akin Nakamata nang biglang magdilim Tila orkestradong bumuhos Sa akin ang kay lamig-lamig na ulan Hanggang buto nanunuot Pansinin kung paanong sa pagtingala, naging repleksyon lamang ang langit ng dilim / bigat ng isipin o isipan na inaangkin ng makata: Mga matang sa akin. Sa paghahanap ng mukha ng Diyos, bumabaling ang tao sa mga salitang sanga ng punong ideya ng Katolikong Diyos: langit, lupa, impiyerno. Ngunit mula sa pag-iisip, mula sa pagtingin kung nasaan nga ba ang Diyos, mula sa pagsubok sa ideya na may mga matang nakamasid mula sa kaitaasan, ibinabalik ng tula ang mambabasa sa karanasan ng katawan, sa mundo ng pandama: Sa akin ang kay lamig-lamig na ulan / Hanggang buto nanunuot. Ang katawang nakatayo sa Parang / parang ngayon ang daluyan ng karanasan (ulan) na maaaring tanggapin ng tao bilang ulan lamang (siklo ng tubig) o bigyang-kahulugan bilang tugon ng langit sa kanyang pagtingala. Muli, ang kawalan ng iisang pagtingin, ng iisang (pagpapa)kahulugan. Sa bawat tula, naroon ang pagbabawas ng bigat ng sariling kasaysayan na nasa mga balikat ng makata. Magiging mapusok pa ako sa pagsasabing ang Parang ay isang proyektong nagbibigay-espasyo sa ideya ng paglikha at pagsubok sa wika bilang kalayaan. Ang tula—ang espasyo kung saan patuloy na nagaganap ang pag-iisip at pagtatanong, kung saan kay lago ng imahen at talinghaga—kung gayon, ang dito na tinutukoy ni Arguelles sa ikalawang bahagi ng unang tula ng koleksiyon: TULANG NAGSISIMULA SA WAKAS Sa wakas wala nang langit na aasamin Sa lupa hindi na mahalaga Kung saan mapunta ang mahalaga Nakarating hanggang dito * Sa wakas Wala nang langit na aasamin Sa lupa hindi na mahalaga Kung saan mapunta ang mahalaga Nakarating hanggang dito May panganib ng pagkaligaw sa kalawakan ng Parang ni Arguelles. Ngunit gusto ko ang ganitong panganib. Ang paghagilap sa tila hindi mahawakan, sa mailap na tuwinang elemento ng mga aklat ni Arguelles (Ilahas, Hindi man lang nakita) ang nagtutulak sa akin na balik-balikan ang mga tula sa Parang. Paulit-ulit ang aking pagbasa at tuwina’y may bago akong nakikita upang maibabawan lamang ng isa pang bagong nakita. Muli, patuloy na pagpapaliwanag, patuloy na kasinungalingan, patuloy na pamumuhay sa tula.
How many times your outstretched arms. As for imagination the speaker whose eyes were the only eyes across the hall had led you into the garden. Stone trees stone trees. If there was an animal it was the skeletal dog on the edge of the speaker’s tongue reaching the bloody ear with what looks like a tongue. Instead imagine the cup can be filled was spoken. Into the garden and that terrible rock sculpted by everything for your knees. Instead you imagine the future face of the city’s rivers from this heights humming on the way to apartment doors coffins of the old closets of the young and the undisturbed. Retreat. Also meaning into the garden and with outstretched arms. The dog playing with the ear like how your dog would kill a mouse. Into the garden and into the city. Into the city and into the garden. Carry the city into the garden. Build the garden within the city. Rubble under and floating trunks. Raise your hands ever greedy.  | CURRENT | Feb 22, '10 5:06 AM for everyone |
1 The long story of the country can be told aboard a boat. The long list of what one needs to survive is Everything. The long list of what one would do to survive is Anything. The long staircase of words to the sky is shattered by the wind again and again. The long line of bodies with refillable hands goes round and round the school quadrangle and back and back. The long hours of sleeplessness are spent drinking coffee shouting on roofs crying eating paper howling. The long hours of sleep are parlor doors receiving the long line of the living shipping in the dead. The long boat carrying two paddlers guide reporter camera man production assistant cannot move beyond the mound of history at the mouth of the creek. 2 The sounds, since the rivers had long been gagged, over flow into every space they find: streets lawns houses buildings cemeteries parks. The waters, since the line of communication had long been severed, overflow into every space it finds: ears ears ears ears ears ears ears ears ears. 3 The room is swamped with sounds that survived the flood. No one is needed to bring the sounds to the upper levels of the apartment; they travel on their own straight to the apartment gate. They hit the gate and the new apartment shakes. They stomp on the stairs and the feet scampering for higher ground twist their ankles. They force the door and the kettle sings it highest note, the table with the moment’s heaviest bread breaks its legs, the lights collapse. The lovers enter the swamp. 4 On a bed of news a bed of water an arm grips the body of another, their legs painfully locked: limb on limb, bone to bone. A palm shuts whose eyes. One’s lips are on one’s nape wanting to whisper future in the ear. They too are an image of the drowned. 5 The cuss is at the tip of the tongue as the addressee walks above water now on electric wires. The actual fear for the body is the courage of the body. His symbol sodden around his neck. Speech: from the roofs from the rolling tongue of earth (the pregnant punctured by an edge of a bridge). The addressee with his little strength left repeats the interrogation tongues the terror to self. The fear of life unfolds and is not yet understood. The lovers stir madly in bed afterflood. Then the live coverage of whose broken speech. Then the love-child swept away raising a fist. 6 The long bridge made for this generation to cross from here to here. The population with refillable hands and the swirl of water and wind that goes round and round the world back and back here and now now and here. Adam, Chingbee: Ang High Chair Issue 12 ay isang bagay na tunay ninyong pinaghirapan at patuloy na pinaghihirapan sa pamamagitan ng pangangalap ng mga kontribusyon at ng pagpoposisyon ng espasyong ito bilang pook-tunggalian ng napakaraming interogasyon hinggil sa papel / silbi / pagkabahagi o pakikibahagi ng sining (lalo na ng salita) sa pagtugon sa Maguindanao massacre. Ngunit kahit pinaghirapan at patuloy nga ninyong pinaghihirapan, bilang mga patnugot, ang HC Issue 12 tulad ng sining na ating ginagawa (halimbawa: libro), hindi ko maiaalay kailanman ang bating Congratulations sa inyong dalawa dahil tiyak kong wala ni isa man sa atin ang ninais ang Maguindanao massacre: Hindi natin ito pinangarap. Sa halip, ito: Salamat. Naalaala ko ang unang saknong ng tulang The Grieving Ring ni Naomi Shihab Nye:
When word of his death arrived we sat in a circle for days crying or not crying
at naisip na ganito ang naging damdamin natin para sa 57 (tiyak ba ang bilang na ito?) na taong pinatay sa Maguindanao: Maaaring umiyak tayo dahil hindi madalumat ang karahasan at kasamaan na kayang gawin ng tao laban sa kapuwa ngunit maaari din namang may mga panahong hindi na tayo tumatangis o lumuluha man lang dahil nga "...Maguindanao comes to us through third-hand reports, encrusted in the dirt and detritus of legalese..." at hinog na hinog ang ating pagdududa sa bukambibig ng mga sumasala ng batas at balita. Hindi natin ginusto na maging malayo sa karanasan ng karahasang ito. Maaaring iisantabi lamang ng karamihan ang mga sanaysay at tulang nasa HC 12 dahil sa duda sa tugon o sa tangkang pagtugon ng tao sa pamamagitan ng sining--ng isang gawaing makasarili at napaka-pribado ang proseso--sa ganitong pangyayaring napaka-publiko at hindi maaaring hindi mapag-usapan ng mga tao. Ngunit hayaan ninyong sabihin ko na sa layong ito, sa agwat (na hindi natin hiningi) mula sa pangyayaring ito, bumukal ang isang pagkukulang sa ating kalooban, sa ating katawan, sa ating sining. Bumukal ang pagkukulang na ito at tinawag tayong muli upang umupo, upang tumahan at gawing espasyo ng pagluluksa ang kani-kanyang pahina, ang kani-kanyang isipan. Oo, dahil abala tayo, nagkukulang tayo sa pagluluksa para sa napakaraming karahasang nagaganap sa gilid ng araw-araw nating pag-iral. Ngunit narito tayo at nakapabilog sa mga pahina ng HC 12, tumatangis o hindi tumatangis, kay talas ng pandama at pakiramdam. Maisusulat natin nang paulit-ulit: Laging may pinto bago ang bawat desisyon (gaano man kanipis ang kahoy). Makapagsusulat tayo hanggang magsakatawan ang salitang pinto at sa pagharap dito, mauulinigan natin ang tawag ng paghinto, ng sandali, ng dalawang-isip. At kung magkagayon, ma(pang)hahawakan ang salita. Muli: Salamat.  Si Mesandel Virtusio “Ayer” Arguelles ay awtor ng apat na aklat ng tula: Menos Kuwarto, Ilahas, Hindi man lang nakita, at Parang. Isa siya sa mga itinuturing kong pinakamahusay at progresibo sa larangan ng pagtula sa wikang Filipino sa kasalukuyan. Lalabas ngayong 2010 ang Alingaw, ang kanyang ikalimang koleksiyon ng tula. Ayer Arguelles: Binabasa ko uli ang libro mo, iniisip ko kung ano ang halaga sa iyo ng lunan, ng lugar na kinalakhan mo. Ano ang halaga ng lunan sa pagtula mo habang ginagawa mo yung Kantilaho at ano pa ang nakikita mong halaga nito sa darating na mga proyekto? Nabanggit mo dati na marami ka pang dapat balikan sa iyong pagkabata. Na totoo naman, kasi mayaman talagang materyal ang kinalakhan natin. . Joseph Saguid: May mga bagay kasi noong pagkabata na tiningnan natin bilang katotohanan dahil ipinamana ang mga ito ng matatanda at nakamulatan natin bilang bahagi ng paraan ng ating pamumuhay. Ito yung mga alamat, mga kuwento. Ang tawag ko nga sa mga ipinamanang ito ay salawikain: wika / salaysay na sinala na ng mga tao (matatanda) sa paligid upang maging kasangkapan sa paglikha ng kaayusan. Halimbawa, lumilikha ng mga kuwento tungkol sa mga engkanto upang hindi magpunta ang mga bata sa mga liblib na lugar at manatili lamang sa looban ng bakuran. Habang bata pa, hindi mo alam na construction ang mga ito at sa pagtanda mo na lamang nagagawang umusal ng matatalinong tanong tungkol sa mga bagay na dati ay karaniwan at tinanggap bilang katotohanan. Ang nangyari sa Kantilaho, yung mga bagay na hindi naman tanong, noong binalikan ko ngayong matanda na ako, naging tanong na, naging problema na. At yung ganoong pagkilala sa mga karanasan ng pagkabata bilang suliranin o mga bagay na muling pinag-iisipan ay dala ng geographical displacement ko mula sa lugar na kinalakhan. Nang lumipat ako dito sa Maynila, nagkaroon ako ng ibang pagtingin sa alaala ng lunan at karanasan ng aking pagkabata. Kakambal ng paglipat ng lugar ang pagbabago ng punto de bista, ng paniniwala. Maraming napag-uusapan dito sa lungsod na hindi pinag-uusapan sa probinsiya. Halimbawa, doon hindi mo puwedeng subukin ang ideya ng Diyos, dahil maliit lamang ang pamayanan at sentro ng buhay roon ang mga ritwal ng relihiyon. AA: Pero dahil hindi ka na rin doon nakalugar, nangyayaring sa halip na hayaan mo na lang ito, nagkakaroon na ngayon ng mas masusing pagtatanong dahil “tagalabas” ka na rin sa bayang kinalakhan mo. JS: At katulad ko, lumaki ka rin sa probinsiya, sa Quezon. Kaya naman sa unang dalawang aklat mo, yung Menos Kuwarto at Ilahás, naging suliranin mo rin ang lunan. Sa pagtula mo ngayon, suliranin pa rin ba ang turing mo sa lunan o sa lugar na pinagmulan? AA: Ngayon, hindi na. Sa Hindi man lang nakita at Parang, wala nang ganoong kamalayan o tahás na pagtula hinggil sa mga bagay na kinalakhan ko. JS: Mayroon ka bang desisyong ginawa na hindi mo na papaksain ang lugar na pinagmulan sa huling dalawang koleksiyon? AA: Wala. Pero lagi’t lagi sa isang koleksiyon, may nauungkat na galing sa karanasan mo. Sa palagay ko hindi maiiwasang ang itinutula pa rin natin sa kalakhan ay galing sa ating karanasan, personal man o galing sa iba at sinikap isatula. Sa akin, natanto ko na puwedeng tumula na nagsisimula sa konsepto. May mga nagsasabi pa rin na hindi ka makasusulat ng tula kung wala kang sapat na karanasan. Sa isang isyu ng Poetry, may sanaysay si Cristina Pugh na ang pamagat ay “No Experience Necessary” na kinuwestiyon ang halaga ng personal na karanasan sa pagtula. Ngayon sa pagtula ko, wala nang ganoon. Hindi katulad ng mga tula ko sa Menos Kuwarto—karamihan sa mga tula roon ay batay sa aking mga karanasan mula pagkabata. Sa aklat, sinubukan kong tahiin sa ilang tema ang mga tula upang magkaroon wari ng kabuuan. JS: Kung gayon, may nakikita tayong dalawang paraan ng pagbuo ng isang koleksiyon: Una, maaaring maisulat muna ang mga tula at saka hanapan ng pangunahing tema o sentro na magtatahi sa mga tula sa koleksiyon, at pangalawa, maaari ring sa konsepto muna magsimula kung saan ginagabayan na ng konsepto ang pagsulat ng bawat tula. Maliban sa Menos Kuwarto, ang tatlo mo pang aklat ay nabuo at nagsimula mula sa konsepto. Ano ngayon ang tingin mo sa unang paraan ng pagbuo ng koleksiyon na nabanggit ko kanina? Yung tila collected lamang at hinahanapan na lamang ng may-akda ng makapagtatahi ritong tema? AA: Puwede naman yun. Wala namang problema roon. Wala naman talagang isang paraan sa pagbuo ng koleksiyon. Puwedeng mauna ang mga tula, pagkatapos hahanapan mo na lang ito ng unifying theme o konsepto upang makabuo ng isang koleksiyon. Ang titingnan na lang doon siguro ay kung maganda ang mga tula at kung maganda ang pagkakatahi ng mga tula. Pero para sa iyo, ano ang mas pabor ka? Maunang masulat ang mga tula o sumulat ng mga tula na ginagabayan ng isang konsepto? Kasi ang alam ko ngayon, para sa susunod na proyekto, may binubuo ka na munang konsepto. Malinaw naman sa akin na hindi laging solido agad ang konsepto at ang kailangan na lang ay translation ng konsepto into poems. Hindi naman talaga ganoon ang nangyayari. Alam natin na mayroon lang tayong konseptong sinusubukang buuin. JS: Ang totoo, nakikipagbuno ka talaga sa konsepto. AA: Oo. At ang madalas ngang nangyayari, kung ano ang pinag-isipan mo nang todo, nawawala na sa mismong aktuwal na pagsulat ng mga tula. JS: Ganyan ang karanasan ko sa pagbuo ng Kantilaho. Noong nagpasya akong gumawa ng libro, inisip kong kolektahin at pagsama-samahin ang mga tulang naisulat ko noong kolehiyo at hahanapan ko na lamang ito ng isang tema na maaaring makapagtahi sa lahat ng tula. Ngunit nakilala ko kayo ni Allan Popa at nakapagbasa pa ng mas maraming libro na may malinaw na konsepto. Mula noon, tiningnan ko na ang pagbuo ng aklat bilang isang proyekto kung saan bawat tula ay umaambag sa kabuuan ng koleksiyon. Tumagal ng apat na taon ang pagbuo ng Kantilaho dahil naging mahabang proseso para sa akin ang pagbabago ng pananaw hinggil sa pagtula at sa paglikha ng isang koleksiyon. Sa Kantilaho, binalikan ko ang lunan o lugar na kinalakhan at inusisa sa matalinong paraan ang mga bagay na dati ay karaniwan lamang at hindi tinitingnan bilang suliranin: industriya ng minahan, ritwal sa Semana Santa, mga alamat, iba’t ibang tagpo ng buhay at kamatayan. Isinulat ko ang koleksiyon dito sa Maynila habang maya’t maya ang pagtatanong at paglilinaw ko sa aking mga magulang kung tungkol nga ba saan ang alamat na ito, ang ritwal na ito, ang uri ng pamumuhay na ito. Samakatwid, karamihan ng tula roon ay hindi nagmula sa aktuwal na karanasan kundi nabuo mula sa pagdalumat. Kaugnay kasi ito ng usapan natin kanina tungkol sa karanasan o kung kailangan nga ba ito upang makasulat ng tula. Halimbawa ng isang tulang hindi nagmula sa aktuwal na karanasan ay yung “Minahan.” Hindi naman ako nakapasok sa minahan ngunit naroon ang pagdalumat ng maaaring kapaligiran at pakiramdam ng isang minero mula sa mga kuwento ng mga nakasalamuhang may karanasan sa loob ng minahan. Nagbasa rin ako siyempre ng ilang akda tungkol sa mga minahan at karanasan ng mga minero. Isa ang “Minahan” sa mga unang tula sa koleksiyon at isa rin sa may napakaraming rebisyon. Mula sa mga una kong tula, napakarami ko nang hindi isinama sa Kantilaho dahil hindi nga ito nakapag-aambag ng anuman sa kabuuan ng koleksiyon. At dahil mas nahalina ako sa mga tulang suliranin ang trahedya sa loob ng apat na taong pagrerebisa, naging tragic din ang pagtingin ko sa mga binalikang karanasan, paksa, ritwal, mga tagpo ng buhay at kamatayan. Sa huling taon ng pagrerebisa, nakumpleto ang mga tula at naisalansan ko rin ang mga ito na ang pangunahing tema ay ang mga trahedyang naganap sa lugar na kinalakhan. Kantilaho ang tawag sa biglang-lalim ng dagat sa Marinduque at taon-taon daw ay may kinukuhang tao ang kailaliman, na tila walang-patid ang gutom nito sa kamatayan ng tao. Ito ang namamayaning salaysay tungkol sa kantilaho sa Marinduque. Ang salitang kantilaho ay kantilado sa mga lugar sa Bicol, Palawan, at Visayas. Nagmula naman ang salitang kantilado sa Español na acantilado na ibig-sabihin ay “bangin.” Sa pagpili nga ng salita at tulang Kantilaho bilang pamagat ng koleksiyon, naging malinaw ang konsepto: walang-patid, walang-kabusugang trahedya. Natapos ko ang koleksiyon na hindi pa nakakikita ng kantilaho. Kaya naman itinuturing kong kapalaran na bago mailabas ang libro, nakakita ako ng kantilado / kantilaho habang nag-i-snorkel sa Palawan. Isa yung karanasan na hindi ko malilimutan. Nakita ko ang kantilado / kantilaho kung saan agaw-liwanag agaw-dilim—parehong nakahahalina at nakakatakot. Yun ang kuwento ng pagbuo ng Kantilaho. Sa sinisimulan kong proyekto ngayon na tentatively titled High Land, masasabi kong pangunahing paksa at materyal pa rin ang lunan, ngunit ito na ang lungsod na pinamamalagian ko. AA: Sa pagbabasa at pagsusulat mo ngayon, mas pabor ka ba sa mga koleksiyon ng tula na sabihin nating tila may arkong sinusundan ang mga tula? Taliwas sa mga tulang tinipon lang at nilagyan ng pamagat, bagama’t hindi natin masasabi na tinipon lamang nga ang mga yun at nilagyan ng pamagat. Kumbaga, hindi lang talaga ito buo. JS: Oo. Mas pabor ako sa mga koleksiyon na may arko. Ngunit sa aking obserbasyon, kaunting makata lamang ang maláy na bumubuo ng koleksiyon na may arko. Karamihan ng mga libro ng tula ngayon ay mga tulang tinipon lamang. Para sa akin, mas mahirap na proseso ang nagsisimula sa konsepto kaya mas pabor ako sa mga koleksiyong tila may arko kumpara sa wala. Mahalaga sa akin ang ambisyon sa proyekto—ang ambisyon na maging isang malaking tula ang buong koleksiyon at ang mga indibidwal na tula ay ang espasyo ng iba’t ibang tinig na nagpapasalimuot sa kabuuan ng koleksiyon. AA: Susundan ko ang sinabi mo tungkol sa ambisyon. May binabasa akong libro ngayon ng isang essayist, si Joseph Epstein. Ang pamagat ng libro ay Ambition. Tapos si Donald Hall, mayroon siyang sanaysay na “Poetry and Ambition” ang pamagat. Ikaw, ano ang ambisyon mo pagkatapos maglabas ng isang libro na masasabi kong maganda at maayos. Kinaiinggitan ko kasi yung mga nag-uunang libro na pakiramdam ko ay nakapaghanda nang maigi para sa unang libro; dahil sa karanasan ko, namadali ang unang libro ko. Pero kasalanan ko rin naman, kasi sabi ko noon, gusto ko nang maglabas ng unang libro. Parang ganoon ang temperamento ko noon, yung “Kailangan nang mailabas itong libro ngayon, kung hindi ayaw ko na itong ilabas.” At ang dami ng mga tula sa Menos Kuwarto. Sana kung nabawasan yun at nakapagrebisa pa ako at nakausap ko ang iba pang tao liban sa mga hiningan ko ng puna, mas napagbuti sana ang una kong koleksiyon. Pero siyempre, in hindsight na lang ito. Kaya ngayon, natutuwa ako sa mga nag-uunang koleksiyon na ang ayos. Kasi ako, halimbawa, kung titingnan ang mga libro ko, tatanggalin ko ang unang libro ko. Parang dito na lang tayo magsimula sa Ilahás o kaya, irerebisa ko muna uli yung mga tula sa unang libro. Pero yun nga, ang tanong ko sa iyo, mula sa isang maayos na unang libro, ano ang ambisyon mo? Yung mga immediate at yung malaking ambisyon sa pagtula? At ngayong nasa MFA program ka? Gusto ko kasing iugnay ang ambisyon sa buhay. I mean, ang pagtula bilang paraan ng pamumuhay. Paano mo ba ito tinitingnan? Sa kaso kasi natin na mga nagsusulat na nasa mahirap na bansa, na ang dami-daming iniisip, talagang hindi ka makapagsusulat fulltime. Siguro kaugnay ng ambisyon ang commitment. Ngayong bata ka pa, gaano ka ka-committed sa pagtula? Ano rin ang ambisyon mo sa pagtula? Kay Donald Hall kasi, ang sabi niya, “Huwag ka nang tumula kung wala kang seryosong ambisyon.” JS: Ang ambisyon kasi sa akin ay isang magandang ideya at niyayakap ko ang ideya nito. Ang lagi mong kakompetensiya ay ang sarili mo. Lagi mong gustong higitan kung anuman ang mga nagawa mo na. Ang tula para sa akin ay isang espasyo ng hindi matapos-tapos na pag-iisip, ng iba’t ibang pagtingin sa mga bagay at ideya. Minsan maaaring mabago ang pagtingin mo sa isang bagay matapos ang mahabang panahon at siyempre iba na rin ang mailalabas mong akda dahil nga nagbago ka na ng pananaw. Ang ambisyon ko ay maging mas mahusay at makitang may malinaw na mga pagbabago sa mga koleksiyon kong mailalabas. Personal ang satisfaction kung ganoon. Ang ambisyon sa pagtula ay walang kakambal na financial gain. Para sa akin, nakamit ko na ang ambisyon kung nag-enjoy ako at kung nagbago na ang mga pananaw ko sa pamamagitan ng masalimuot na proseso ng pagbabasa at pagsulat ng tula. Mas mahalaga sa akin na nagiging bukás ako sa napakaraming posibilidad, na binubuksan ko ang sarili sa mundo. Sa ngayon, gusto kong masundan yung Kantilaho, at sinusubukan kong makasulat ng mga tula sa Ingles na mas mahahaba. Hindi naman kasi isyu sa akin ang wikang ginagamit sa pagtula. Ang mahalaga, mahusay ang tula. Noong nasa kolehiyo ako, una akong sumulat ng tula sa Ingles. At ngayon, may narinig akong musika sa wikang Ingles na gusto kong gamitin sa pagtula. Kung gayon, maituturing ko rin na makasarili ang aking ambisyon—ang maging mas matalino at malawak ang pag-iisip. Naniniwala kasi akong ang mga taong tunay na matalino ay may kakayahang umangat mula sa anumang sitwasyon na kinakaharap niya at may kakayahan ding panghawakan kung ano ang tunay na mahalaga. AA: Bago ko sundan ang isyu ng wika, naalala ko lang ang isang panayam kay Gaspar Noé. Ang titulo mismo ng interview ay napakainteresante: “Living is a Selfish Act: An interview with Gaspar Noé.” Naisip ko nang binabasa ko ang interview, parang ang mabuhay talaga—ang pamumuhay ay makasarili. Laging kailangang ikaw ang makaligtas. Anyway, siguro ang kaugnay lang nito sa usapan natin ay binanggit mo kasi ang pagbubukas ng sarili. Ang pagbubukas kasi ng sarili ay pagbibigay ng sarili sa kapuwa. Iyong pagtulong, iyong pagiging maláy sa mundo at sa nangyayari sa mundo. Pero ang sining ng pagtula, sa isang banda, ay makasarili naman talaga. Paano mo siguro ito ire-reconcile? Yun ang isang tanong. At ang isa pang tanong, bakit hindi isyu sa iyo ang wika? JS: Dahil isyu sa iyo ang wika? AA: Hindi naman. Hindi naman isyu sa akin. Hindi kasi ako nag-i-Ingles. Nagsasalin ako ng ilang mga tula ko bilang finger exercise at bilang ensayo sa Ingles. Hindi naman sariling wika ang Ingles kaya kailangan itong pag-ensayuhan katulad ng anumang bagay na dayuhan sa atin. Gayunman, siyempre, ang Filipino, lalo na bilang mga manunulat, hindi natin puwedeng balewalain. Kailangan mo rin itong pag-aralan at paghusayan. Mas madali nga tayong magkamali sa Filipino dahil native speakers tayo unlike sa Ingles na kailangang laging tama ang prepositions, ang verb tenses halimbawa. Kaya walang isyu, kasi hindi ako nag-i-Ingles. At hindi ko pa rin naiisip ang sarili ko na mag-i-Ingles kahit sa mga darating na panahon. JS: Pero mayroon bang panahon sa pagsulat mo na nag-Ingles ka? AA: Noong high school. Pero noong college, gusto ko nang magsulat sa Filipino. JS: So desisyon yun? Namili ka ba sa dalawang wika? AA: Hindi ko pinag-isipan kung mamimili ba ako. Ang sa akin talaga, sa Filipino ako magsusulat. Ang mga simpleng dahilan: mas gamay ko ang wika at mas malapit ito sa akin. Lumaki ako sa Quezon, na isang probinsiyang Tagalog at lumaki na hindi kabilang sa middle class kaya bihira sa paligid mo ang nakapag-i-Ingles. Tapos ang nakahiligan ko rin talaga ay mga akda sa Filipino, kahit nagbabasa na rin ako ng maraming akda sa Ingles nang lumalaki ako. Ang unang sabak ko rin naman sa masinsinang pagtula ay sa Filipino sa LIRA. Pero hindi ko inisip na may away sa wikang Ingles at Filipino sa pagtula. Gayunman, gusto ko lang malaman kung bakit hindi isyu sa iyo ang paggamit ng dalawang wika sa pagtula? Sa Kantilaho siyempre, nag-Filipino ka at ang sinusulat mo sa kasalukuyan ay mga tula sa Ingles. JS: Una muna, susubukan kong sagutin kung paano ko mapagtutugma ang makasariling ambisyon na kakambal ng proseso ng pagtula at ang pagbubukas ng sarili sa kapuwa o sa mundo. Batid ko naman na sa kasalukuyang panahon, malayong magkaroon ng social effect ang mismong gawain ng pagsulat ng tula. Walang masusukat na social effect kung sakaling malathala at mabasa ninuman ang isang tula. Bilang makata, hindi rin ako naghahangad ng anumang social effect mula sa mga tulang naisulat ko. Pero ang kuwento ko kasi, bago pa ako nagsimulang tumula, naipamana na sa akin ng mga magulang ko ang gawain ng pagtulong. Para sa akin, sa mga panahon na hindi ako tumutula o hindi nagsusulat, habang nagbibiyahe, naglalakad, o nasa labas ng bahay, laging pagkakataon yun na makatulong sa kapuwa. So hindi ko kailangang pagtugmain ang dalawang bagay na ito na maaaring nakikita ng karamihan na magkatalo. Oo, dahil sa simula pa lamang, bago maging doktor, sundalo, guro, makata, pulitiko ang sinuman, tao muna ang lahat. Ang pakikipagkapuwa ay isang makataong gawain kaya para sa akin walang kaso ang propesyon: hindi ito salik sa pagtulong maliban na lamang kung ang hanapbuhay mo ay ang pagpatay ng tao, na isang malungkot na realidad. Sa isyu naman sa wika, kung bakit nagsusulat din ako sa Ingles ngayon, ang background niyan, ang una ko talagang nabasang makata ay si Robert Frost. Nabasa ko ang mga tanyag niyang tula sa mga hardbound na American textbooks na nakita ko sa bahay namin sa probinsiya. Samakatwid, ang mga una kong tula noong high school hanggang kolehiyo ay Ingles. Noong nakabasa na ako ng mga tulang Filipino dito sa Maynila, nakita ko na mas pamilyar sa akin ang tunog o musika ng wikang Filipino at maaari naman palang hindi maging “dramatic” o tila mga lirikong pangharana lagi ang mga tulang Filipino. Kaya nga nagpasya ako na isulat ang Kantilaho na una kong aklat ng mga tula sa wikang Filipino. Ang dahilan naman ng pagsulat ko sa Ingles para sa ikalawang koleksiyon ay kaugnay pa rin ng ambisyon. Noong nagtangka akong sumulat uli sa Filipino habang nasa publishing house pa ang Kantilaho, palagay ko ay hindi pa rin ako nakakarinig ng bagong musika sa Filipino. Halos ganoon sa pagkakasulat ko sa mga tula sa Kantilaho ang kinalabasan ng mga bagong tula ko sa Filipino. Nang panahon ding yun, mas marami akong nababasang akda sa Ingles at natuwa ako sa mga nabasa kong tulang Ingles. Para sa akin, ang kagustuhang may maisulat na panibago o naiiba mula sa naunang koleksiyon ang lagi’t laging asta dapat ng isang makata. Sa pagtula sa Ingles, mayroon akong natagpuang bagong musika na nagdulot din ng bagong pagtingin at bagong estilo na hindi ko ginawa sa unang koleksiyon. Sinasabi ko nga, kung marunong din siguro akong sumulat at magsalita sa ibang wika tulad ng Pranses o Bahasa, malamang magsusulat din ako sa mga wikang yun. AA: Sabagay, si Milan Kundera halimbawa nagsusulat sa mga wikang Czech at Pranses. JS: Tama. At bumalik naman tayo sa iyong pagtula. Siyempre, sinasabi ko lagi sa iyo na Parang ang paborito ko sa mga aklat mo at hanggang ngayon ay paulit-ulit ko itong binabasa. Natutuwa ako at nakikita ko na paliwanag o pa(rang)liwanag ang mga tula mo sa koleksiyong ito. Naging modelo mo para sa isa sa mga tula ang “Simile” ni Rossana Warren at sa tula ni Warren, makikita ang maraming posibilidad ng paghahambing ng dalawang bagay. At ang gawain ng paghahambing, para sa akin, ay ang lagi’t laging paglikha ng katuturan at kahulugan upang maging pamilyar sa atin ang isang ideya, pangyayari, o bagay. Kung gayon, ang paggamit ng parang, tila, wari, ay isang paliwanag. At sa iyong sanaysay na “Pagtawid sa Parang: Mga Salita at Imahen,” sinabi mong hindi nasasaid ang anumang salita o imahen. Kaya napakaraming maaaring itambal sa isang ideya, napakaraming salita ang maaaring mapagitnaan ng parang, tila, wari. At natutuwa ako sa pagiging buo ng Parang—mula sa bawat tula, sa salansan ng mga tula, sa pisikal na hitsura ng libro: malawak, masalimuot, tila walang katapusang espasyo. Pinag-aralan mo rin nang lubos ang yunit ng linya ng lirikong tula sa koleksiyong ito. Naroon din ang pagbabaliktad ng mga enggrande at Katolikong ideya ng Diyos at kamatayan. At dahil nga isa itong kalawakan ng maaari, walang bantas na umiiral ang mga tula. Siyempre, lahat ng nabanggit kong mga katangian o techniques na ginamit mo sa Parang ay mahalaga upang mabuo ang konsepto ng koleksiyon. Ang tanong ko ngayon, sa tingin mo mas mahihigitan mo ang Parang sa mga susunod na koleksiyon? Ang obserbasyon ko kasi sa pagkakasunod-sunod ng iyong mga aklat, pailap nang pailap ang mga tula at doon ka nananahan—sa kailapan ng kahulugan. Ano pa ba ang mas iiilap ng mga tula mo? AA: Noong una problema ko yun, well lagi ko namang problema yun. Yung laging may pakiramdam na mahusay ang iyong nagawa. Yung mga ganoong yabang. Matapos ang Hindi man lang nakita, tinatanong ko, paano pa kaya ako makagagawa ng isang libro na higit dito o kapantay man lang. Pero nang iniisip ko, parang wala lang yun e, parang yabang lang talaga. Natural na dumarating ang mga ganoong isipin. Ang hirap lang kasi sa pagsusulat ko, halimbawa, nakatapos ako ng isang libro, ang sarap ng pakiramdam dahil nakatapos ka, pero ang problema roon, yung gusto mo na namang magsulat. Mahirap ang pagsusulat dahil nakikipagbuno ka. Binubuo mo, tapos minsan wala kang magawa, hindi mo matapos. Kaya pag natapos, ang sarap ng pakiramdam. Sa tingin mo naman maganda, may nagsabi namang kaibigan mo na maganda nga ang libro dahil mga kaibigan mo sila (tawa). Pero parang ang maganda nga lang ay yung nahihirapan ka na nagsusulat ka. Parang yun ang point na nabubuhay ka—yung may kailangan kang magawa at matapos. Kaya ngayon, yung problema na paano susundan ang Parang. Pagkatapos kong masulat ang Parang, sabi ni Allan, magpahinga ka muna kakatapos mo lang ng isang magandang libro. Siyempre natuwa naman ako na sinabi ni Allan na maganda ang libro. Tapos ang biruan, God-God at death-death poems, so para maiba naman, sex-sex naman ang kasunod. Tama na ang Diyos-Diyos. Siguro mula sa ganoong joke, medyo sineryoso ko na tumula naman ako sa sex-sex. Nang sinusulat ko kasi ang Parang, marami akong binasang mga makata. Isa na nga si Warren at nabanggit mo nga yung tula niya kanina na “Simile” na pinagpadronan ko rin ng isang tula sa Parang. Marami pa akong binasang mga makata nang isinusulat ko ang Parang kahit walang kinalaman sa Diyos o sa kamatayan, pero mas madalas yung mga tula nilang may kinalaman sa Diyos o sa kamatayan. Binasa ko siyempre si Fanny Howe. Binasa ko rin si Charles Wright. Nang binabasa ko yata si Charles Wright naging malinaw sa akin na parang mayroon lang tatlong bagay na nagpapaikot sa buhay natin: God, death, and sex. Hindi naman necessarily in that order. So sabi ko, tumula na ako sa God, sa death, so sex na lang. Naisip ko naman na malaking paksa rin ang sex. Hindi naman dahil sa gusto ko ng malalaking paksa, pero dahil gusto ko siyang pag-isipan. Masarap itong problemahin. At sa pagsulat ng koleksiyon, nauuna sa akin yung salita. Halimbawa, gusto ko nga yung salitang parang, tapos lumalaki na lang ang koleksiyon. Dito sa bagong proyekto, gusto ko yung salitang talik. Yung talik na euphemism natin for fuck and at the same time, ito rin ang panumbas natin sa intimate—as in ‘matalik na kaibigan.’ May ganoon itong katangian na nagustuhan ko. So dito nabuo yung proyekto: konsepto hindi lang ng sex, kundi konsepto ng intimacy. Ito yung pangunahing paksa na gusto kong i-explore, tukuyin sa mga tula at yung koleksiyon ay gusto kong pamagatang Talik at hanggang ngayon naman Talik pa rin ang working title nito. Hindi pa ako nakakaisip ng ibang salita na maaaring ipalit sa talik, although one word title na naman ito. Pero sa proseso ng pagsulat nito, habang lumalaon at marami akong nababasa at napapanood tungkol sa pinag-iisipan kong paksa, parang humaharap ako sa abyss at parang natatakot na akong tulaan ito kasi parang hindi ko na talaga ito maaabot. Hindi naman talaga maaabot. So kaiba ito sa nangyari sa Parang na nauna yung ¬¬¬¬¬karanasan. Well, hindi naman talaga nauna, kasi noong binalikan ko, mayroon naman palang naunang konsepto. Actually may drowing e. Mahilig kasi akong magdrowing kapag nag-iisip ako ng konsepto. Nakakatuwa sa mga notebook ko na hiwa-hiwalay. Halimbawa yung tula kong “Malagunlong” sa Ilahás. Yung Malagunlong kasi ay ilog sa Agdangan, Quezon kung saan ako ipinanganak. Tagaroon ang nanay ko. Pagligoy ko na naman ito. Doon ako ipinanganak at umalis kami roon noong 8 months pa lang ako. Lumipat kami sa Candelaria. Sa Quezon pa rin. Tagaroon naman ang tatay ko. Sa Candelaria na ako lumaki. Tapos nang una akong nakabalik sa Agdangan, Grade 6 ako. Pumunta kami ng pinsan ko sa ilog ng Malagunlong at ang laki talaga ng ilog na yun. Nang pagpunta pa namin doon, katatapos pa lang ng baha. May malalaki pang agos, tapos nakatayo lang kami sa pulang dapi. Pag-uwi, pinagalitan ako ng mga tiyuhin ko dahil baka raw kunin ako ng ilog kasi dayuhan na raw ako. So ganoon yung tulang “Malagunlong.” Tanong ko sa sarili: “Dayuhan na ba ako dahil ngayon lang ako bumalik kahit dito naman ako ipinanganak?” Nang binubuo ko yung konsepto, may drowing ako. May taong nasa gilid ng ilog. Tapos yung sa Parang, bago yung karanasan ng pagkamatay ng tatay ko at pagiging tatay ko mismo, may stick figure naman ako na naliligid ng arrows patungo sa iba’t ibang direksiyon. Nilagyan ko ng mga salitang space at time kahit hindi pa malinaw sa akin. So may ganoon na palang konsepto—yung pakiramdam na nasa gitna ka ng malawak na parang at nilulunod ka lang ng espasyo at oras. Pagkalabas ng Parang, nang naghahalungkat ako ng notes para sa paghahanda sa panayam sa Poem Project sa UST, mayroon pala akong isang tula na nasa molde ng mga tula sa Parang na naisulat ko bago pa mamatay ang tatay ko. Ang title nito ay “In Extremis,” sa sandali ng kamatayan. Naisulat ko ito bago pa mamatay ang tatay ko. So ligaw na tula ito at kasama nito yung drowing ko ng tao na may arrows at mga salitang space at time. Sa tulang yun, parang ang sinasabi ng persona, “Pag namatay ako, ganito ko gustong dalawin ninyo ako sakaling dadalawin ninyo ako.” Parang ganoon, so tula na may death-death na rin. Noong 2005, Abril nang naging tatay ako at Mayo naman namatay ang tatay ko kaya hindi ko talaga alam ang gagawin. Ganoon kalaki yung uka na nalikha sa akin. For a year, sinusubukan kong tumula para lang kalmahin ang sarili. Ganoon pala ang pakiramdam. Sinasabi ko nga sa mga kuwento, hindi ba parang pag nagpupunta naman tayo sa mga lamay, o baka ako lang, ganoon lang yata talaga ako ka-weirdo na pinapraktis ko ang sarili ko kung paano kaya kung tatay ko o nanay ko ang namatay. Paano kung ang nakahiga sa kabaong e yung mahal ko sa buhay, ano kaya ang pakiramdam. Pero hindi mo pala malalaman talaga hanggang naroon na at hindi mo pa rin alam kung ano ang nangyayari. Kaya wala talagang konsepto sa simula ang Parang maliban sa minsan kong naiguhit na tao sa gitna ng parang at yung isang tulang nabanggit ko. Saka lang talaga nabuo ang konsepto nang nagkaroon na ako ng karanasan ng kamatayan ng isang mahal sa buhay. Sa ngayon, sa susunod na proyektong Talik, nauna talaga ang konsepto. Siyempre, may karanasan naman ako sa sex kahit sabi ng isang writer ay hindi pa sapat (tawa). Anyway, ang ginagawa ko ay research-research, ganyan. Medyo mayroon naman na akong nabuong estruktura ng proyekto. Research, tapos panood, ganyan, basa. So ang dami-dami na at parang ang laki-laki na talaga ng sex na proyekto. Ang naisusulat ko pa lang sa ngayon, mga isang taon ko na sigurong pinagsasaliksikan ito, apat o nakapito na nga yatang tula nitong nakaraan. So wala. Tapos yun nga, may ibang proyektong nakatabi. Pero ayun, tapos ko na rin yung sunod kong libro, yung Alingaw. JS: So ano ang konsepto ng Alingaw? AA: Sabi ko nga maibigin ako sa salita. Yung “Alingaw,” pamagat yun ng tula ni Allan Popa sa kaniyang aklat na Morpo. At nang nabasa ko yun, nagustuhan ko na yung paggamit niya ng alingaw na tila rootword ng alingawngaw (bagama’t wala itong entry sa UP Diksiyonaryong Filipino). Sa tula ni Allan, binabalikan niya yung kuwento ni Echo sa Metamorphoses ni Ovid. Nagustuhan ko yung salitang alingaw kasi kahit hindi mo alam yung kahulugan ng salitang alingaw, yung tunog niya ay metaliko, strange, parang may ganoong hiwaga. Yung mismong tunog ng alingaw ay tumataginting. Mahirap ipaliwanag kasi almost mystical na pagdama sa wika. Kaya gusto ko siya. Tapos nang ginagawa ko yung Alingaw, binalikan ko yung kuwento ni Echo sa Metamorphoses at binalikan ko rin yung tula ni Allan kung ano yung ginawa niyang pagbabago sa kuwento ni Echo. Tapos naisip ko, yung echo, hindi naman ito yung orihinal na tinig e. Kumbaga, second-rate o copycat ka. Kumbaga kung echo ka, may hindi magandang konotasyon. Parang, sino ang gugustuhing maging echo? Parang ang laging gusto ay maging orihinal na tinig. So tinanong ko, baka naman puwedeng maging orihinal din na tinig yung echo, na mauna yung alingaw sa pinanggalingang tinig o dahil ito lang naman ang maiiwan so ito lamang din ang magiging pinakamahalaga. Hindi na lang ito magiging echo kundi ito na rin mismo ang magiging awit. JS: At ang ganoong pagtingin ay mag-a-apply sa lahat: sa kasaysayan, sa pagsulat—kung ano lamang ang naitatala. AA: Oo. Kung ano ang maiiwan ang pangunahing konsepto sa Alingaw. Kung ano ang maiiwan pagkatapos ng lahat. Kaya tila naging necessary na halos pira-piraso ang mga tula. Pira-piraso na may kabuuan. Yun ang sinikap kong gawin sa bawat tula bilang nagsu-subscribe sa ideya ni Lauterbach ng whole fragment; kahit doon din naman kay Glück, sa ideya ng ruins kung saan nakikita mo ang kabuuan. Sabi nga ni Adam, nang minsang pinag-usapan namin ito, nagustuhan niya yung tipong fragmented ito pero hindi ito fragmented. Yung apatnapung tula sa Alingaw, buo rin ito na parang napaka-deliberate ng pagkabuo na ikinatuwa ko. Yun nga, yung sinasabi ko na kailangan mo talagang maging mapagbantay upang makita mo at makilala na nariyan lang ang tula. So yung sunod na aklat, yung Alingaw, pakiramdam ko tama namang pansunod sa Parang. Ang gusto ko rin lamang naman lagi sa paggawa ng bagong aklat ay matagpuan yung sinabi ni William Carlos Williams na “a new music is a new mind.” So laging paghahanap ng bagong anyo. Siyempre pag nakatagpo ka ng bagong anyo, may bagong musika. At kung may bagong anyo, bagong musika, malamang ang iluluwal lang noon ay bagong kaisipan o bagong pag-iisip. Ang gusto ko lang sabihin, sa punto ng pagsulat ko ngayon, wala na yung burden na kailangan kong higitan ang mga nauna kong gawa. Lagi’t lagi ang concern lamang ay makatuklas ng bagong anyo. Sa Talik ganoon din ang gusto kong gawin. Sa isang tula, sinusubukan ko ang isang anyo, anyo na sa palagay ko ay lubusang makapagpapahayag ng nais kong isatula. JS: At concern talaga ang anyo ng mahuhusay na makata. Hindi lang iniisip ang laman ng tula ngunit kung paano mapalalabas ang laman sa pamamagitan ng piniling anyo. AA: Oo, lagi’t lagi naman sa atin na isa itong enactment. So kapag nahanap mo ang pinakamabisang anyo para i-enact ang ipinahahayag, yun para sa akin ang pinakamabisang tula. Hindi lang ito narration ng isang incident o karanasan. Para maging buháy yung tula, kailangang gumalaw ito mismo sa pahina. Sa tingin ko ang naibigay sa akin ng Parang ay ang challenge na bawat tula ay hanapan ng pinakaangkop na anyo para sa gustong ipahayag. Kaya itinaas ng Parang ang stakes. JS: Balik sa Parang. Sa unang tula sa koleksiyon, “Tulang Nagsisimula Sa Wakas,” interesado ako sa salitang dito. Siyempre kaya dalawang bahagi ang tulang ito ay dahil ipinamamalay mo sa mambabasa na may pagbabagong nagaganap sa pagtingin sa mga salita halimbawa: wakas, mahalaga, dito. At para sa akin, ang dito na tinutukoy mo sa huling linya ng tula, “nakarating hanggang dito,” ay ang tula mismo kung saan lagi’t lagi ang pag-iisip. At sa tingin ko, sobrang komportable ka na naroon sa espasyo ng walang-hanggang pag-iisip. AA: Tama. JS: Ang kasunod na gusto kong pag-usapan, dahil malinaw na ang mga susunod na koleksiyon mo ay nagsisimula sa konsepto, may naisusulat ka pa bang occasional na tula? AA: Sinabi ko na ba sa iyo na naisip ko na ang mga susunod na limang koleksiyong susulatin? Di ba sinabi ko sa iyo noong isang araw yun? Noong naisip ko ito at naisip ko yung mga pamagat ng koleksiyon, parang malabong makasulat ako ng occasional poems sa ngayon. Siguro yung occasional poem ay magiging occasional dahil hindi siya kasama sa karamihan ng tula para sa isang proyekto. Mga proyekto ko ngayon ang Talik at Sapat Lang na may tiglimang tula na yata. Yung iba pang proyekto, CR Mo Buong Mundo. Parang ito yung time na gusto kong mambarubal ng language. Ang papaksain naman dito ay decay, waste. Gusto ko itong parang Garbage ni A.R. Ammons. Tapos yung isa pa, Pambihirang mga Hayop, na may epigraph galing kay Thoreau. Yung sabi niya na “I long ago lost a hound, a bay horse, and a turtle dove, and am still on their trail.” Yun. Yung Pambihirang mga Hayop siyempre ay isang phrase mula sa Ilahás at gustong-gustro ko ang phrase na yun dahil ganoon din kasi ang turing ko sa tula, sa salita. Strange animals. Saka isa pa yung Tagpong Tula. Dati pa ito, pero nabubuhay na yung proyekto. Mga found poems ito pero gusto ko ring maging laro ito sa tagpo o scene. Saka yung walang-katapusang Alinsunurang Awit. So mukhang malabo yung occasional poems dahil nakahanay yung mga project. JS: Pero sa ngayon sa pagbuo mo ng konsepto ng isang koleksiyon, natutuwa at umiikot ka sa salita na kadalasan ay isang salita: Ilahás, Parang, Alingaw, Talik. AA: Oo. Gustong-gusto ko nga yung sinabi ni Robert Creeley: “It wasn’t just words, it was mind.” Ikaw naman, ano ang concerns mo, bukod sa nariyan na yung project mo ng pagtula sa Ingles, yung High Land? JS: Tentative pa ang title. At maaaring ang matapos kong proyekto ay yung “Current” na sinabi mo ngang maaaring maging isang buong libro. Maaari ring yung “Frames” na mas buo na yung konsepto: city living, ang kuwadradong pamumuhay. So ngayong December break, saka ako magdedesisyon kung alin ba ang itutuloy ko na konsepto o kung may susubukan ba akong pagsamahin sa mga ito para maging libro. Sa concerns naman, naroon ako sa pag-iwas na gawin ang mga trend sa pagtula ng mga kahenerasyon ko na ang prominent ay erasures at essay poems. AA: Bakit? Distrust ba iyan? JS: Hindi. Gusto ko nga yung mas lumalawak na paraan ng pagtula na nababasa ko. Pero hindi pa kasi exhausted sa akin ang lyric na tula. At conscious rin siguro ako na ayaw kong sumulat ng tula na ganito o ganyan ang estilo dahil lamang ito ang ginagawa ng karamihan. Ang concept ng High Land ay naka-anchor sa speech: isang pagpapamalay sa uri ng pananalita na mayroon ngayon lalo na ang mga terminolohiya at bokabularyo ng kasalukuyan na umiikot sa konsepto ng pagiging ligtas. AA: Yung marketing language nga? JS: Kasama nga iyan. Yung unang tula sa koleksiyon na High Land, yung “To Begin With,” sinubukan kong i-enact ang paraan ng pagbebenta ng oras at espasyo sa mga taong walang lugar sa lungsod. Interesado ako sa balatkayo ng mga pangungusap o utterances, lalo na yung marketing lingo na ginagamit ng lahat araw-araw. Siyempre, naroon ang pagtingin sa desire o sa pagnanais na maging safe o ligtas: ang intensiyon ng tumitingin ng espasyong pagtitigilan sa lungsod kaugnay ng pangungumbinsi ng nagbebenta ng espasyo na maayos ang lugar yun. AA: Nabanggit mo yung pagtutok mo sa speech, na ang pangunahing tagapagdala ng speech ay yung sentence. So mas pinahahalagahan mo ngayon ang pangungusap kaysa linya? At kung ganoon nga, patungo ka ba sa pagsulat ng prosang tula na ang pundasyon ay sentence? Kasi yung tula mong “Frames” ay prosang tula. So ito bang koleksiyon mo sa Ingles, maglalaman ba ito ng prose poems? At ano ang tingin mo sa prose poems? JS: Pinag-iisipan ko pa yan, actually. Halimbawa kasi, sa tulang “To Begin With,” nagputol pa rin ako ng linya kung paano ko ginagawa sa isang lirikong tula. Gusto ko kasing isang bloke ng mga salita ang tula na dire-diretso ang daloy ng mga salita. Yung tila tiwalang-tiwala sa sarili ang nagsasalita at kabisado na ang sasabihin dahil ganoon din naman talaga ang marketing language. AA: Pero kung dire-diretso ang gusto mong effect, di ba mas angkop ang pagbatay sa pangungusap na ginagawa sa prosang tula? JS: Oo. Isa iyan sa mga sobra kong pinag-iisipan ngayon. Kaya nga halos tiyak ako na mahihiwalay ang tulang “Current” at magiging isang buong koleksiyon. Dahil kung ihahambing ito sa mga tula ko sa Ingles ngayon, nakasunod ang “Current” sa lirikong anyo. Bukás naman ako sa iba’t ibang paraan at anyo ng pagtula. AA: Wala ka bang mga bagong tula sa Filipino? JS: Wala pa uli. AA: Pinabayaan na po niya ang Filipino. JS: Hindi naman po. Sa mga susunod na koleksiyon ay tutula pa rin ako sa Filipino. Pero back to concerns, may concerns ka ba na iniikutan din ng iyong pagtula? Halimbawa si Mabi David may essay siya tungkol sa difficulty, si Louise Glück kinuwestiyon niya ang konsepto ng sincerity sa pagtula, si Forché mayroong poetry of witness. Ikaw ba? AA: Wala. Maliban sa magandang tula. Yun lang ang pinoproblema ko. Para sa akin walang bad poetry e. Sinabi ko nga sa maikling sanaysay na isinulat ko hingil sa salimuot na parang laging kaagad, kung hindi man synonymous ang poetry sa beauty ay laging kaugnay ito noon. So walang bad poetry. Siguro mayroong bad poets. Pero kung talagang “authentic” o “tunay na tula,” talagang maganda. Ang ibig kong sabihin, kung tula ito, maganda ito kahit iba ito sa ginagawa ko halimbawa. Kinikilala ko kasi ang tula kahit na hindi ito ang tipo kong tula. May mga pamantayan ako upang makilala ko na ang isang akda ay tula, whether ang ginagawa ng tula na yun ay taliwas sa ginagawa ko. JS: Tulad halimbawa ng? Sa pamantayan? AA: Halimbawa yung mga makatang binabasa ko na hindi ko gusto pero kinikilala ko ang mga gawa nila at alam ko kung ano ang ginagawa nila. So pag sinabi kong kinikilala kong tula ang gawa nila, kinikilala kong maganda ang mga ito. Pero siguro panlasa na rin lang kung ano ang maganda. Kung ano ang maganda sa akin ay hindi maganda sa iyo pero hindi ko sasabihing hindi maganda yung sa iyo at hindi ito tula. So pagkilala ng pagkakaiba-iba. Saka kailangan kasi sa akin na, para maging tula, kailangang buong-buo talaga. Hindi buo na kailangang may kaisahan ano, pero kailangang umiral ito bilang isang buong tula maging ito ay fragmented halimbawa o isang mahabang narrative poem. So bawat salita, bawat ginagamit na elemento ay mahalaga at may kabuluhan. Kaya rin siguro paikli nang paikli ang mga tula ko. At wala akong pakialam kung maikli ito. Hindi ko concern yung length. Basta ang pangunahing concern ay ang makalikha ng koleksiyon. Yun ang ambisyon. Ang makasulat ng tula na kasama ng iba pang tula. Kumbaga, ang imahen ng meteor shower: marami ngunit isang bugso. JS: Kung bakit patuloy akong tumutula, nakikita ko rin na ang gawain, ang proseso ng pagtula ay hindi apektado ng market forces. At laging paraan ito upang makaigpaw sa namamayaning estruktura. Kapag sumusulat ng tula, na kailangan ng malalim na pag-iisip, patuloy sinusubok ng makata ang lahat ng uri ng kapangyarihan. Samakatwid ang tula at pagtula para sa akin ay laging nasa gilid. Sa usapin ng eksena ng panulaan sa Pilipinas, sa palagay mo ba, dahil sa consistent na paglalabas mo ng mga libro: apat sa loob ng walong taon, kabilang ka na sa sentro ng eksenang ito? AA: A, hindi rin. Noong isang araw, kinapanayam ako ni John Revo ng Malate. Dalawa lamang ang tanong niya na pinag-usapan namin: 1) Ano sa iyo yung eksena, at 2) Nasaan ka sa eksena? Eksena being yung poetry scene. Ang sabi ko nga sa kaniya, well, may eksena kung may eksena. Alam ko namang may nangyayari. Buháy pa naman yung tula. Siguro hindi lang ganoon kabuo. Hiwa-hiwalay. Kampo-kampo, ganyan. At ang pinakamalaking kampo halimbawa ay nakabase sa unibersidad, sa mga pangunahing unibersidad na nagpapayabong nitong panitikan at doon nagaganap yung malalaking eksena. Yung maliliit na eksena, yun yung mga nasa sabihin nating gilid-gilid. Hindi ko nakikita na ngayon ay kabilang ako ng malaking eksena. Nananatili pa rin akong hiwalay. Una, dahil yung trabaho ko ay wala sa akademya, so yung ganoon lang ay malaking pagkatiwalag na sa nangyayari. Pangalawa, maláy rin ako na huwag mapabilang sa malaking eksena. JS: Bakit? Nagiging complacent ba ang mga tao sa loob ng malaking eksena? AA: Nadidismaya lang ako sa malaking eksena kasi nakikita mo roon yung, sabihin na nating hindi maganda—yung awayan halimbawa, pulitika. Kani-kaniya rin namang tapik sa balikat. Yung mga ganoon. Hindi sa gusto nating magmalinis na hindi tayo nagtatapikan ng sari-sariling mga balikat pero gusto mo lang na lumayo na roon, sa mas malawak na eksena. Hindi ko alam kung yung magkakasunod na paglalabas ng libro ay naglalagay sa akin sa ganoong puwesto. Ang punto ko, hindi naman batayan ang paglalabas ng mga libro ng paghusga sa iyo bilang manunulat, dahil kung ganoon lang, magiging paramihan ito ng gawa. Para sa akin it doesn’t matter kung maglabas ka ng isa o hanggang tatlong libro kada taon as long as may merito ang mga ito at may tinutugunang concerns sa pagtula. So walang problema sa akin yung panahon. In the same way na hindi rin naman natin problema na isinulat mo yung tula sa isang araw at isinulat ko yung tula sa apat na taon. Hindi ba wala namang ganoon? Yung mga ganitong isyu ay hindi naman mahalaga. Lagi’t laging huhusgahan base sa produkto. Kung gaano kayaman o kaganda yung tula mo. So mas komportable ako sa ganito. May isang grupo na kasama ako na maaaring sabihing pare-pareho ang pagtingin generally pero may pagkakaiba ang mga ginagawa. At yun ang maganda, yung plurality. At mula rito, ang tanong ko sa iyo: Ano ang iba pang sining na may interes ka bukod sa tula at paano ito nakatutulong sa iyong pagtula? JS: Sa ibang art forms, may interes ako sa music. Appreciation ng music. Pero hindi ko pa naman naa-apply ito katulad ng pag-apply halimbawa ng jazz poets. Mas gusto ko yung experience ng music as an art form. Mas gusto ko ang mga musika tulad ng classical, jazz, world, progressive rock na halos hindi tumitigil at walang definite ending. Maganda yung discovery na maaaring humaba at lumigoy ang musika. At the same time, naaintriga rin ako sa art ng pagsayaw. Gusto ko bilang konsepto ang sining ng pagsayaw: kung paanong ang mismong katawan ang nagiging sining kapag nag-umpisa nang sumayaw. AA: Balak mo bang i-appropriate sa tula mo yung mga nae-experience mong music o yung art ng pagsayaw? Kasi last year, halimbawa, nung nasa Saguijo ako with another poet friend, gusto ko kasi yung Saguijo kasi parang bahay lang na katabi mo lang ang mga musikero na talagang mararamdaman mo yung enerhiya ng tugtugan. Tapos pag nasa ganoon akong lugar, at hindi sa malalaking konsiyerto, pumipikit ako. Naririnig ko na yung tugtugan pero tina-try kong pakinggan pa rin sa utak ko at iniisip na someday balak kong i-appropriate ito sa poetry. Iniisip ko kung paano gawin ang ganitong klaseng tugtugan sa tula. Yung ganitong klaseng ingay, yung ganoon. Dahil sa medyo mahaba-habang panahon, pinahahalagahan ko yung silence, yung mga espasyo sa tula. Pero nang time na yun, inisip ko kung paano maisasatula ang ingay. Musika, pero maingay, marami kang naririnig. Inisip kong baka maaari itong i-appropriate. So ikaw na mahilig sa musika halimbawa, may balak ka bang ganoon o ginagawa mo na ito? JS: Ang appropriation ay nagsisimula sa pagtukoy sa mga element ng art form na nais mong isatula. Sa ngayon hindi ko pa napag-iisipan kung paano maililipat sa pahina ang sabay-sabay na ingay at harmony ng mga instrumento at tinig. Ang tula kasi ay nasa pahina, binubuklat paisa-isa samantalang ang musika ay may nagsasabay-sabay na mga elemento: tinig, instrument, katahimikan. Sa sayaw naman, hindi ko concern ang appropriation sa ngayon kundi ang mismong galaw ng katawan—ang mga pinagdadaanan ng katawan upang maging sining mismo sa pamamagitan ng pagsayaw. AA: So anong specific na sayaw ito? JS: Mas gusto ko ang freestyle, yung contemporary, yung anything goes. Walang refrain ang movements at hindi limitado sa entablado. Interesado ako sa dislocation ng sining ng sayaw, halimbawa sa ginagawa ni Donna Miranda na sumasayaw siya sa bathtub. Of course future project pa ang koleksiyon na pangunahing konsepto ang sayaw kaya hindi pa malinaw. Ikaw naman, interesado ka sa painting and film, tama? AA: Oo, visual arts. JS: So ito ngayon ang pinagmumulan ng mga materyal mo? Halimbawa sa Talik? AA: Yung isang bahagi roon na may pamagat na “Isang Palabas ng Pornograpiya.” Mga ekphrastic poem ito na kaugnay / inspirado / tungkol sa mga sine na may mga eksena ng “unsimulated sex.” Pornography at “real sex” sa pelikula ang papaksain. Ang interes ko ay kung ano ang relasyon ng viewer at viewed object at kung ano ang maaaring nasa pagitan. Kahit naman sa act of copulation mayroong nasa pagitan. Iniisip ko kasi na wala naman talagang intimacy. Perhaps the closest we can get to intimacy or to being intimate with another person, well, at least for me, ay through sex or the sexual act. Yung may paghuhugpong ng katawan. JS: So ang medium mismo ang pagitan, ang nasa gitna ng viewer at viewed? Ayer: Oo, actually yun nga e, doon ako interesado mismo. Sinasabi ko na ekphrasis ito pero in a way, magiging ano pa ito e, mula sa isang medium papunta sa isang medium papunta pa sa isang medium. Film na napunta sa tula, tapos yung reader. Yung salalayan lamang ng tumitingin na hindi mo na alam kung sino nga ba ang tumitingin at tinitingnan. Parang yung sinabi ni Yeats na paano mo maiihiwalay ang “dancer from the dance.” Mahalaga sa akin ang iba’t ibang sining. Tinitingnan ko kung ano ang makatutulong sa pagtula ko. JS: Depende ba ito sa konsepto? I mean, kung anuman ang sining na pag-aaralan sa partikular na panahon ay alinsunod sa binubuo mong koleksiyon? AA: Hindi naman. Gusto ko talaga ang art. Hindi lang tula. Fan ako ni Susan Sontag. Sinabi niyang ang idea niya ng writer is someone who is interested in everything. JS: Sa totoo lang, ganyan din ang pananaw ni Angelo Suarez. Natandaan kong tinanong niya sa akin minsan kung bakit ang karamihang poets sa Pilipinas ay hindi immersed sa iba’t ibang art forms o sa iba pang bagay bukod sa tula. AA: Para maging mahusay kang manunulat, kailangang sagapin mo ang mundo. Magbasa nang magbasa. Dumanas ng iba’t ibang bagay. Huwag tayong magpakahon sa mismong sining lamang ng pagtula. Sa akin, kung ano ang maaring mapulot sa ibang genre, pulutin, at gamitin para yumaman ang tula. JS: So ano halimbawa ang specific na uri ng tula na ayaw mo? AA: Siguro pag-usapan na lang natin kung ano ang hinahanap natin sa tula. JS: Siyempre, salimuot. AA: Ang hinahanap ko sa tula ay yung enactment ng isinasatula, yung anyo, yung energy. Mahirap ipaliwanag pero kailangang madama ko yung enerhiya na nagpapakilos sa tula. Ayaw ko na sa mga tula na nagsisilbing pang-alaala lang ng isang karanasan na parang diary entry lang. Hinahanapan ko ang tula ng sariling buhay sa pahina. Yung hindi magpapatulog sa akin. Yung magdudulot sa akin ng damdamin na gusto kong magsulat dahil nabasa ko yung tula. Yun ang hinahanap ko. Yung puwersang nadarama mo. Ayaw ko na ng mga tulang mararamdaman mo pa rin na ang nagsasalita ay yung writer mismo. Ang pinaniniwalaan ko, bagama’t mahalaga yung pagkakaiba-iba upang umunlad ang panitikan, somehow mayroon pa ring isang prinsipyo that governs all art at alam ito ng mga totoong alagad ng sining. Hindi kailangang magkasundo-sundo pero alam natin kung may merit ang isang artwork na pag na-recognize ito, maka-counteract ang isyu ng subjectivity. Kasi mahirap ang subjectivity. Ibig sabihin, maaaring lahat ay maganda. E kung ganoon, huwag na tayong lumikha. So ang pakiramdam ko, mayroon talagang isang prinsipyo para malaman natin kung ano ang sining. Siyempre ang paradoxical talaga nito, hindi naman maide-define ang maganda. Pero in the end, lilitaw yung “authentic” na artwork. Pero okey sa paglikha ang paninindigan sa mga gustong gawin. Pero later, magdecide tayo kung maganda nga ba yun. Hindi naman kasi tayo gumagawa para sa sarili lamang natin. JS: Para sa akin naman, ang usapin ng kung ano ang maganda ay mabigat na burden sa balikat ng akademya. Siyempre, ang gusto ko lang naman ay maging mas aktibo ang mga nasa akademya sa patuloy na pag-aaral at pagsasama sa curriculum hindi lamang ng mga nauna nang mga akda kundi lalo na yung mga kontemporanyong akda. Ang nagiging kaso kasi, kakaunti lamang na akda o manunulat ang naipakikilala sa mga estudyante ng panitikan. At kung kulong / lulong ka sa kakaunting yun, malamang ang mindset mo ay: ito lamang ang maganda. Kinukuwestiyon ko rin naman kasi ang pag-aaral ng pagsulat sa mga silid-aralan dahil ang totoo naman, natatagpuan ang panitikan, ang sining, ng mga taong tunay na magaling at may kakaibang pagtingin sa mundo. AA: At para sa huling tanong, ginawa ka bang mabuti ng sining? JS: Parang ang hirap sagutin niyan a. Ano ang “mabuti”? AA: Nabanggit mo kasi kanina na ginawa kang bukás ng tula at ganoon din naman ang paniniwala ko. Na hindi magiging ganito ang pag-iisip ko kung hindi ako na-expose sa tula o sa art. Siguro ang tanong ay ano ang ginawa sa iyo ng tula? JS: Ang mahalaga sa akin ngayon ay yung proseso ng pagtula, yung pinagdadaanan ko sa pagtula. Kapag tumutula ka, nag-iisip ka, at kapag naging committed ka sa pagtula, minu-minuto kang magtatanong. At yun ang mahalaga. Alam mong nasa loob ka ng mga estruktura lalo na ang economic structure ng mundo pero kapag sumusulat ka ng tula, nakaiigpaw / nakaaangat / nakagigilid ka sa sentro ng kapangyarihan ng kinapapaloobang estruktura. Ang tula ay espasyo ng pagkuwestiyon sa lahat ng uri ng kapangyarihan. At paradox uli dahil kung tutuusin, bilang makata, may kapangyarihan ka over language dahil nga tuwina ang pagsubok mo rito, pero ang totoo, wala kang kapangyarihan. At gusto ko yung wala ako sa posisyon ng kapangyarihan. AA: Naalala ko na naitanong ko kay Marc Gaba iyan dati, “Bakit tayo tumutula?” Tapos natatandaan ko, ang buod ng sinabi niya, “Para makibahagi sa beauty ng creation.” Anyway, sang-ayon ako sa lahat ng sinabi mo. Siguro ang mabuting ginawa rin ng tula sa akin ay hindi ako pinahihinto sa pag-iisip. Hindi naman mahalagang matagpuan mo ang mga sagot pero sapat nang matukoy ang mga importanteng tanong. Tingin ko ganoon din lang naman talaga ang buhay. Kailangan mo itong laging kuwestiyunin, makipagkulitan sa Diyos o kung sinumang may higit na kapangyarihan kaysa atin. Laging may puwang sa pag-unlad sa patuloy na pag-iisip. At isa pa, sabi nga ni Creeley, “He wants to travel light” at yung tula ay puwede mong bitbitin dahil nasa utak mo. Siguro yun din ang ipina-realize sa akin ng tula. Na maaari akong mag-travel kahit gaano kalayo na tula lang ang dala ko. |  | Highlight was crashing with the waves twice your height. Got some scratches. |
|  | English Category Honorable Mention po with Benedict Parfan Grand Prize - Mikael Co |
 | Guestbook | |
 | hi kua. tanda mo pa ga ako? choi! =] |
 | Hi, Very nice hompeage here! Thumbs up to your site!

|
 | kuuuyyyaaa! :) di na ba ulit tumawag yung taga call center? haha! :D miiissshoooooo!! :) |
 | hey you! I mega miss you kuya! =) |
 | ui kuya joseph...! hahaha este joseph pala...add kita ah...apir!haaha |
 | hi joseph! talagang kailangang ganun ang ilagay sa guestbook ko? hehehehe |
 | maligayang kaarawan joseph |
 | maligayang kaarawan!
inuman naaaaaaaa |
 | Napadaan lang! hehe.. ingat palagi.. God Bless.. |
 | kuya jose, maria here.. haha! kamusta ka na? ah ah grabe kuya ang huli namin household kina mannypot.. 2pm na kami nakapaglunch dahil sa napakahaba naming sharing.. hahaha! :) kuya!!!!!!!!!!! punta ka sa aming BAYCON!! ha? ha? ha? pleeeeaaaassssseeee!!! please please please!!! :) bigyan kita ng trabaho.. joke! haha! :) please please! :D |
 | Kuya, miss na kita!sobra!pag ikaw e nakita ko tlgang aakapin kita ng bonggang bongga.Salmat sobra sa laging paalala.your one of my confidence.Lab lab!:) I'll see you soon kuya! |
 | kuya!!! kamusta ka?? miss na kita!! miss ka na ng batangas :)) dalaw ikaw dine..hehe muuah* |
 | kuya! i miss you na. :] kamusta? |
 | kuya,kahit lumisan ka na ng Batanagas ay Patuloy pa din ang aking pagdalo sa mga aktividades ng YFC. Pang ilan na nga kuya?? nakasampu na ga ako?? heheh...
** missessyou kuya... |
|